MALAKAS daw ang ‘intel’ ni Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay kaya naman mayroon agad nakapag-TIP sa kanya na isang mataas na opisyal sa PNoy admin daw ang ‘umaarbor’ kay Globe Asiatique owner Delfin Lee nang gabing masakote sa Hyatt Manila ng mga operatiba ng Manila police at PNP task force Tugis.
Matagal-tagal din na-AT LARGE ang Erpat ng pa-social ‘este’ socialite girl na si Divine ‘Hermes’ Lee at ang balita nga natin ‘e palamye-lamyerda lang and rubbing elbows pa raw sa ilang matataas na opisyal at maiimpluwensiyang tao sa administrasyon ni PNoy.
Patunay d’yan ‘e nang matiyempohan siya ng mga lespu sa Hyatt Hotel nitong nakaraang Huwebes ng gabi.
Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit napakabilis ng pangyayari at nakarating agad sa kaalaman ni VP Jojo Binay ang mga pangyayari.
Ang siste, meron pang pa-blind-blind item ala-showbiz reporter si VP Binay. Hindi pa agad pinangalanan at tumbukin kung sino si Boy Arbor.
‘E ngayong lumutang na ang pangalan ni Gov. Alfonso ‘Boy’ Umali ng Mindoro at ipinaliwanag na rin niya ang kanyang pagkakasangkot, siya ba ‘yung tinutukoy ninyo Honorable Vice President of the Philippines?!
O baka naman, mayroon pa talagang mas mataas na opisyal kay Mindoro Gov. Umali?!
Sino siya VP Binay?!
Pangalanan mo na!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com