‘YAN ang tanong ngayon ng mga kababayan natin.
Mag-iiba kaya ang kapalaran ng Anti-Dynasty Bill sa Freedom On Information (FOI) Bill?
Pero marami ang nagsasabi na imposibleng makalusot ang batas na ito dahil sinasabi rito na isa lang sa bawat pamilya ang pwedeng tumakbo sa ano mang posisyon tuwing eleksiyon.
Layunin umano ng prohibisyon na ito na ‘wasakin’ ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa iilang pamilya lamang.
Ang siste hindi maikasa sa Kamara ang sponsorship at debate sa nasabing panukalang batas dahil maraming kongresista ang ‘NEGA’ sa nasabing House Bill.
O sige nga, gugustuhin ba ni VP Jejomar Binay ‘yang batas na ‘yan?
‘E how about the Erap Estrada family na nakapila na yata kung sino-sino ang mga papapasukin nila sa politika.
‘Yung mga Ortega sa La Union?!
‘Yung mga Revilla pa … at kung sino-sino pang angkan na ang political tentacles ay plastado na sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
Good luck na lang kay Caloocan City Rep. Egay Erice at sa kanyang mga kasama, kung paano nila mailulusot ang batas na ‘yan.
Babantayan natin ‘yan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com