IPINAKULONG ng sariling ina ang kanyang bunsong anak na lalaki, matapos pagsusuntukin ang kanyang kuya sa gitna ng kanilang tagayan, sa Malabon City, iniulat kahapon.
Kinilala ang suspek na si Joselito Tibay, 30-anyos, ng Sitio 6, Brgy. Catmon, ipinakulong ng kanyang nanay na kinilalang si Rosa Tibay, sa city jail ng Malabon.
Sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 pm, nagsi-mulang mag-inuman ang suspek at kanyang kuya na si Leolito, 34, sa kanilang bahay sa nasabing lugar.
Sa gitna ng inuman, pinapayuhan umano ni Leolito si Joselito na magpakatino, pero biglang nagwala, pinagpapalo ng bote at pinagsu-suntok ng suspek ang biktima. (rommel sales)