Friday , November 22 2024

Kontratista utas sa tandem

PATAY ang 63-anyos  kontratista, matapos  pagbabarilin ng isa sa hindi nakilalang riding in tandem, nang sabayan ng mga suspek ang sasakyan ng biktima, habang patungo sa kanyang opisina, sa Valenzuela City,  kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Manuel Nollora, 63, ng Valenzuela Ville, Brgy. Bignay, kontratista ng mga painting job,  sa nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril  sa ulo.

Sa nakarating na ulat kay Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police, dakong 10:00 am kamakalawa, nang maganap ang insidente sa Bignay Road, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, mabilis tumakas ang dalawang suspek gamit ang motorsiklong ‘di naplakahan sa hindi natukoy na direksyon.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *