Friday , November 22 2024

Guardian utas sa boga ng magpinsan

PATAY ang 34-anyos miyembro ng Guardian, nang pagbabarilin ng magpinsan sa loob ng kanyang bahaysa Binondo, Maynila, kamakalawa

Kinilala ang biktimang si Junrey Almacin, sinasabing miyembro ng Guardian, naninirahan sa Area–H, Gate 62, Parola, Tondo.

Agad naaresto sa follow-up operations ang magpinsan na suspek na kinilalang sina John Paul Asis, 33,  at Ramil Asis, 29, kapwa miyembro ng Batang City Jail, residente ng 12th St., Port Area.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5:00 pm, nang umalingawngaw ang magkasunod na putok ng baril mula sa bahay  ng biktima sa nasabing lugar.

Nang usisain  ng testigong si Regandes Bacsal, 23,  nakita  niya ang dalawang lalaki na armado ng baril papalabas mula sa  bahay ng biktima. Pagpasok  niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang biktimang nakahandusay at naliligo sa sariling  dugo.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *