Sunod-sunod ang accomplishments ng Bureau of Immigration (BI) – Intelligence Division matapos nilang salakayin ang Chinese shopping malls gaya ng 168 at 999 sa Divisoria at kailan lang ay ang City Plaza Mall na pinamumugaran ng mga tsekwa na kung hindi walang papel ay puro dispalinghado ang mga dokumento.
Pero habang nagpapakapagod ang BI Intelligence operatives sa paghuli ay sige naman daw ang paglalakad ng Federation Filipino Chinese Chamber of Commerce & Industries Inc. (FFCCII) at ang notorious fixer tandem na sina BETTY CHUWAWA at ANNA SEY para areglohin at mapawalang-sala ang karamihan sa kanila.
Sabi tuloy ng mga taga-BI main office employees, parang blessings sa dalawang bruhang fixer ang paghuli sa mga illegal Chinese traders dahil tiyak na perang maliwanag ang pag-aabogado sa kanila!
By the way, BI Comm. Fred Mison, paki-review mo lang po ang CCTV sa BI main office kung sino ‘yang isang taga-LEGAL na nakitang aligaga sa pagpa-padrino sa ilang nahuling Chinese? Namataan pa raw na labas-pasok sa investigation room habang iniimbestigahan ang mga nahuling Chinese. Hindi kaya ito ang napapabalitang ‘tong-pats’ sa mga mall kaya panay ang pag-aabogado sa kanila?
Paki-EXPLAIN nga ang mga scenario na ito alias Atty. Lelang La-punyeta dahil maraming nakahahalata sa ikinikilos mo sa main office!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com