PARA rin palang mga heneral ni GMA ang isang dibisyon d’yan sa Commission on Elections (Comelec)?
Ang balita natin, magreretiro na sa 2015 ‘yang 3-M Division.
Kaya raw nagdadamadaling gumawa ng ‘BAON’ para sa kanilang pagreretiro.
Sila kaya ang nasa likod ng ideyang pagbebenta ng 90,000 precinct count optical scan (PCOS) kahit mayroon pang mga nakabinbing elections protests?
Hindi umano kukulangin sa 62 electoral protests ang hindi pa nareresolba ng Comelec nitong 2013 mid-term elections at nakabinbin pa rin sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protesta ni Mar Roxas laban kay Jejomar Binay nitong nakaraang 2010 election.
Wala pa raw basbas ang Palasyo sa desisyon na ito ng Comelec, pero ang nakapagtataka mukhang kasado na si Comolec ‘este’ Comelec Chairman Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes.
Talaga naman ‘tong 3-M Division na ‘to, kapag tungkol sa pera ang pag-uusapan, tumatalas ang memorya pero kapag ‘yung resolusyon sa mga nakabinbing protesta biglang nagkakaroon ng Alzheimer…
Tsk tsk tsk …
Hindi na tayo nagtataka kung bakit matulin pa sa alas-kwatro ang pagdedesiyon ng Comelec na ibenta ang 90,000 PCOS.
May komisyon na sa disposal, may komisyon pa sa bilihan!?
Sonabagan!!!
Chairman Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes, tunay kayong kunsumisyon ng bayan.
Pwe!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com