Monday , December 23 2024

Commissioner Kim Henares inconsistent sa BIR tax campaign laban sa casino financiers

00 Bulabugin JSY

HINDI malaman ng mga negosyante kung pagtatawanan, maiinis o maaawa sila kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner KIM HENARES.

Napaka-INCONSISTENT daw kasi ni Commissioner KIM kung ang tax campaign ng BIR laban sa mga tax evader ang pag-uusapan.

Ang kaya lang daw kasing habulin ni Madam KIM ay ‘yung mga negosyante na mayroong records at nagbabayad ng kanilang buwis sa BIR.

Ni hindi nga nakukumusta ng BIR kung ang mga negosyong ito ay umaandar pa, nalulugi o bangkarote na sa sobrang taas ng tax na binabayaran nila.

Basta sila, ang gagawin nila padala nang padala ng letter of authority (LOA). Hindi man lang sila mag-effort o tanungin bakit nagkakaroon ng problema sa pagbabayad ng tax ‘yung mga negosyante.

Bagsak na nga ‘yung maliliiit na negosyanteng Pinoy ‘e pataw nang pataw pa ng penalty.

Kapapataw ng penalty hayon nagsasara na lang ‘yung mga negosyante.

Mga LEGAL po ‘yang maliliit na negosyante na ‘yan.

Pero ‘yung mga ilegalista sa mga Casino (RESORTS WORLD, PAGCOR at SOLAIRE), mga money launderer at tax evaders ‘e hindi man lang makagawa ng paraan o sistema ang BIR kung paano sila hahabulin para pagbayarin ng TAX.

Simpleng-simple lang naman ang dapat gawin ni Commissioner KIM. Silipin at busisiin niya ‘yung mga Chinese at Korean (kompanyang peke) na naka-enroll sa ROLLING SCHEME ng Casino.

Tapos kunin niya ‘yung mga kinita ng mga ‘yan tiyak SAPOL agad!

Isa sa mga notorious na Casino financier na namamayagpag d’yan sa RW Casino ay si JOSEPH ANG (Ringson Int’l Group), ‘yung Chinese national na hinabol ng saksak ni Jerry Sy.

Sa Solaire Casino naman, sina KRISTIN MANALO at OSCAR KU-PAL ang no. 1 financier. Sudsurin rin ang mga junket operator sa 2nd floor VIP gaming room.

Tapos paimbestigahan niya sa mga imbestigador ng BIR ang kinita sa Casino. I-check nila kung nasa records ba ng BIR na nagbabayad ng buwis. Kapag wala e ‘di  padalhan nila ng sulat, ipalagay sa lookout bulletin at kasuhan.

Simpleng-simple ‘di ba?

Kung seryoso siya.

‘E kung LIP SERVICE lang ‘yan kaya pinipili lang niya ang mga ‘SIKAT’ para kaladkarin sa ‘propaganda’ niya sa intensified tax campaign against tax evader?!

‘E ‘di malinaw na, EPAL lang niya kay PNoy ‘yan.

Madam, ang mas malaking tax penalty ay makukuha ninyo sa mga casino financier na ‘tax evader.’

Kung tinatrabaho ninyo ang mga bangkaroteng maliliit na negosyante sana naman ay mas mag-effort kayo sa mga namamayagpag na tax evaders sa mga Casino.

‘Yun lang po Madam KIM.

ALYAS VIC ANG VIDEO KARERA KING SA PARAÑAQUE CITY

MAYROON pa palang isang ilegalistang namamayagpag sa Parañaque City …

‘Yan ay si alyas VIC, ang HARI NG VIDEO KARERA sa Parañaque City.

Ibang klase raw magpwesto si alyas VIC ng kanyang mga VIDEO KARERA …ipinupwesto malapit sa mga eskwelahan lalo na sa elementary schools.

Mantakin ninyo, pati barya-baryang baon ng mga elementary pupils e kinakana pa ng mga demonyong makina ni alyas VIC.

Tsk tsk tsk …

Parañaque chief of police, Senior Supt. ARIEL ANDRADE Sir, naaambunan ka ba ng coins out ni alyas Vic kaya namamayagpag ang VIDEO KARERA sa area of responsibility (AOR) mo?!

Ay sus ‘wag kang pakaang-kaang Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *