Thursday , April 24 2025

11-anyos ‘fb hacker’ todas sa 46 saksak ng ‘igan (Account pinakialaman)

022714_FRONT
PATAY ang 11-anyos totoy makaraang 46 beses saksakin ng kanyang kaibigan bunsod ng alitan sa Facebook nitong nakaraang Linggo.

Kinilala ang biktimang si Michael Jericho “MJ” Surio, grade 5 pupil, residente ng Brgy. Barihan sa Malolos, Bulacan.

Si Surio ay huling nakitang buhay nitong Linggo kasama ang 16-anyos suspek na kanyang kaibigan.

Napag-alaman, nag-alala ang mga magulang ni Surio nang hindi na umuwi ang biktima ng gabing iyon.

Pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng isang itinatayong bahay.

Ang biktima ay natuklasang may 46 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naniniwala ang mga imbestigador, pinatay ng suspek si Surio bunsod ng matinding galit matapos i-hack ng biktima ang Facebook account ng salarin.

Ang suspek ay unang ipiniit sa Malolos City Police Station ngunit inilipat na sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development dahil siya ay menor de edad.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

ICTSI Earth Day FEAT

Earth Day 2025: Panahon na para kumilos, hindi lang magdiwang

TAON-TAON, tuwing 22 Abril, ginugunita natin ang Earth Day — isang pandaigdigang kilusan para sa …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters (Earth Day)

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *