KALABOSO ang 18-anyos lalaki sa kasong apat counts ng rape kamakalawa ng hapon sa Tanay, Rizal.
Kinilala ni Supt. Noel Versoza, hepe ng Morong Police, ang nadakip na si Harry Rabusa y Jaramilla, nakatira sa Manila East Road, Brgy. Bagong Bayan, Pililla Rizal.
Dakong 12:30 p.m. nang arestuhin ng mga tauhan ng Tanay PNP ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Marie Ignacio ng RTC Branch-80, sa kanyang pinagtataguan sa
Sitio Pasipit, Brgy. Plaza Aldea, Tanay.
Nasa talaan din ng Tanay municipal ang suspek bilang no. 3 most wanted.
(ED MORENO)