Friday , November 15 2024

RD ng LRA, tumama ng P21-M na jackpot sa Casino ng Solaire

NABALATOHAN na kaya si Land Registration Authority (LRA) Administrator Eulalio C. Diaz III ng isang mataas na opisyal ng Registry of Deeds (RD) na tumama ng malaking jackpot sa Casino, kamakailan?

Pwes, kung hindi pa ay dapat salubungin ni Diaz ng mainit na congratulations ang mapa-lad na RD ng LRA sa isang lungsod sa Bulacan na tumama ng mahigit P21 milyong jackpot sa Solaire Resort and Casino, dalawang linggo ang nakararaan.

Madaling-araw noong February 9, hindi akalain ng nasabing LRA opisyal na sa kanyang nilalarong makina babagsak ang mahigit sa P21 milyong jackpot ng DUO CAI DUO CAI, isang bagong klase ng slot machine na kinahuhumali-ngan ngayon ng marami sa casino ng Solaire.

Ayon sa impormante, halagang P88 ang pinaka-mababang taya kada pindot sa naturang slot machine upang mag-qualify sa jackpot ng Duo Cai Duo Cai kaya malaking halaga ng puhunan din ang kakailanganin munang ipatalo sa paglalaro nito.

Ang abogadong RD ng LRA ay suking VIP card holder ng Solaire casino at malimit umanong umagahin sa paglalaro ng slot machines.

Ang problema, paano itatago ng LRA official sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ang malaking halaga na kanyang napanalunan sa sugal?

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga empleado at opisyal ng gobyerno ang tumuntong sa anumang pasugalan at mga casino kaya mahihirapan din siyang ipaliwanag kung saan niya kinukuha ang kanyang ipinansusugal.

Kung minsan, hindi natin alam na ang ina-akala nating suwerte ay magdadala pala ng malaking kamalasan sa buhay ng isang tao, na hindi malayong mangyari kapag ang balitang ito ay nakarating sa kaalaman ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares at ng Office of the Ombudsman.

Sakaling hindi matunton ni Diaz ang kanyang mapalad na RD, subukan n’yo na lang ipagtanong-tanong at baka ang iba sa kanyang napanalunan ay naipamili na ng mga ari-arian sa Urdaneta o mga kalapit na bayan sa lalawigan ng Pa-ngasinan.

BoC OFFICIAL, TAMBAY SA CLUB INTRAMUROS

GINAGAWANG tambayan ng isang bagong opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at ng kanyang mga alagang aso ang Intramuros Golf Club.

Mistulang extension office ng Customs ang Club Intramuros na kanyang tambayan upang itago sa mata ng publiko kung sino ang kanyang mga kausap at katransaksiyon.

Kabilang ang ilang dayuhang Koreano sa malimit na makitang kausap ng Customs official sa nasabing lugar na malayo sa mata ng mga miron sa Aduana. “Magkano-Korean?”

Sa naturang lugar niluluto ng damuhong opis-yal ang kanilang mga raket sa Customs at dito rin idinaraos ang partihan ng salaping kinikita nila sa smuggling, kabilang na ang ilegal na importasyon ng bigas at agricultural products.

Noong nakaraang Enero, ang opisyal ay naispatan ng intelligence community sa Hong Kong kasama ang isa pang opisyal ng Customs at ang isang maimpluwensiyang nilalang na sinasabing tumulong at nasa likod ng kanyang appointment.

Dahil sa taglay niyang agimat, ang kanyang ilegal at unauthorized travel o pagbiyahe sa Hong Kong ay kahindik-hindik na nabura sa arrival at departure record ng Bureau of Immigration (BI).

Kung hindi naglabada ng salaping kinikita sa smuggling, ano kaya ang pakay ng pagbiyahe nila sa Hong Kong?

2 KOTONG EMPLOYEES NG MANILA CITY ASSESSOR, BIGLANG YAMAN

MABILIS daw ang naging pagyaman ng da-lawang empleyadong kapwa nakatalaga sa City Assessor Office ng Maynila.

Hindi mo raw aakalain na karaniwan lang silang empleyado pero daig pa ang matataas na opisyal ng City Hall dahil walang habas nilang paggasta ng salapi.

Ang kanilang mga kapitbahay at kalugar sa Kalye Zamora, Sta. Ana ay walang alam na mayroon pa silang ibang pinagkakakitaan bukod sa pagiging karaniwang empleyado ng City Hall.

Nagtataka ang kanilang mga kabaranggay kung paano at saan nila kinukuha ang kanilang ipinansusugal at malakasan kung pumusta ga-yong wala naman silang ibang maaaring panggalingan ng kinikita.

Isa sa kanila ay may bagong modelo ng sasakyan at parehong nakapagpundar ng malalaking bahay, ayon sa ilang residente ng kanilang barangay sa Sta. Ana.

Ang dalawa ay isinusuka raw dahil sa pangggipit ng mga taxpayers na nagbabayad ng amilyar sa City Hall.

Tama ba, “Japspitik” at “Pongkotong”?

***

(Para sa sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maari ring ipadala ang liham sa aming e-mail address: [email protected])

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *