Dear friends, since God so loved us, we also ought to love one another. No one has ever seen God; but if we love one another; God lives in us and his love is made complete in us.—1 John 4:11-12
INAPRUBAHAN nitong Martes ng Manila City Council ang pagpapalawig pang muli nang pagbabayad ng buwis sa Lungsod.
Hanggang ngayong araw, Pebrero a-20 na lamang ang palugit para sa pagbabayad ng amil-yar, business and license tax sa city hall.
Pagkatapos ng nasabing palugit, multa na ang katapat!
***
AYAW aminin ni Councilor Marlon Lacson (2nd District)na kaya nangyayari ang ganito ay dahil may kinakaharap na problema sa tax collection ang Maynila.
Dalawa rin ang kadahilanan lumalabas: wala nang gustong magbayad ng buwis dahil masyadong mataas ang ipinataw na dagdag singil o galit na ang mga mamamayan sa mga taga-City hall!
Alin sa dalawa o pareho!
***
MUKHANG tama ang ipinunto ni Councilor Cristy Isip (5th District) sa plenaryo ng session na palawigin hanggang Marso 15 pa ang pagbabayad ng buwis bago magtakda ng multa sa mamamayan.
Dahil, isipin na lamang na magbabayad ka na nga lamang ng taxes sa gobyerno ay pinahihirapan ka pa dahil sa haba ng mga pila at hirap ng proseso nang pagbabayad.
Magbayad daw nang maaga upang ‘di maabala ng multa, pwe!
***
LALO ka pang makukunsume pagdating sa cashier ay malalaman mo na triple na pala ang itinaas ng buwis ng iyong babayaran sa city hall. Itinaas ang buwis, pero wala ka naman makitang pagbabago o pag-asenso sa iyong lugar.
Lalo ka pang magagalit, sa gitna ng iyong pagbabayad ng taxes ay makababalita ka na ninanakaw lamang pala nila ang mga ibinabayad mong buwis sa gobyerno!
Dios mio, mapapamura ka talaga sa kanila!
THANK YOU SA DE LA SALLE UNIVERSITY—MAYOR LIM
NAGPAPASALAMAT si Mayor Alfredo Lim sa patuloy na suportang kanyang natatangap hanggang ngayon.
Inaalala pa rin ng marami ang kalagayan ni Mayor Lim, kinukumusta, dinadalaw, iniimbitahan sa iba’t ibang pagtitipon at okasyon.
Hindi nagbago ang mga nagmamamahal kay Mayor Lim!
***
GAYA na lamang sa imbitasyon ng mga mag-aaral ng Communication Arts ng De La Salle University. Wiling-wiling sumagot sa mga tanong ng mga estudyante si Mayor Lim sa isang programang inihanda para sa kanya ng mga estud-yante.
Ito ang kinabibiliban sa kanya ng mga estud-yante, akala nila masungit o suplado si Mayor Lim, ‘yun pala palabiro rin ito at kuwela.
***
SABI nga ni Mayor Lim, masungit at nagagalit lamang siya sa mga kriminal, sa mga gumagawa ng masasama, pero deep inside, maunawain at may pusong mamon siya sa mga mahihirap, dahil tunay na nagmula siya sa mahirap na pa-milya, nagsikap at umunlad.
Kaya ito rin ang kanyang payo sa mga kabataang estudyante ng De la Salle, mag-aaral ng mabuti at ibalik ang lahat ng pasasalamat sa kanilang mga magulang.
Korek ka dyan Mayor Lim!
TEXTERS REAKSYON
SA mga nagdaan natin kolum, tinalakay natin ang mga naisulong na batas noon ni Mayor Lim noong siya ay nasa Senado.
Sabi ng ating mga avid readers, napapanahon na isulong ang mga panukala ni Mayor Lim na anti-pork barrel at anti political dynasty bill, upang matuldukan na ang nagaganap na korapsyon at pagmamanipula sa kaban ng bayan.
Heto ang kanilang mga reaksyon!
DUTERTE-LIM SA 2016?
chairman hindi ba magandang tandem ang duterte at lim sa 2016? Si Mayor Rodrigo Duterte ang Pangulo at si Mayor Alfredo Lim ang Vice President, tough tandem, ano po sa tingin n’yo?—092314265+++
TALAGANG NASA HULI
ANG PAGSISI
My byad nsa mga ospital s mynila, ayan kau mga bobotante ang my ksalanan, nsa huli tlga ang pgcc, sori nlang kau, taga makati ako!—09276542+++
IBANG KLASENG POLITIKO
mggnda pla ang pinanukala noon ni Myor lim noong nsa senado cya, ibang klaseng politiko tlga c myor lim!—092232418+++
WALANG KAPARIS
sa tingin ko chairman ligaya wla ng k2lad ni myor lim na politiko sa pnahon ngyn, na wlang iniicp kundi kpakanan ng mamamayan, puro korap na kc ang politiko natin ngayn—0999200912+++
NANGHIHINAYANG KAY MAYOR LIM
nkkpanghinayang ang isang mayor lim na nawala sa govt service, isa siyang huwaran s lahat, sna magbalik serbisyo muli cya sa taumbayan,—Mang Ramon ng Abad Santos
SENATE BILL NI MAYOR LIM, KAILANGAN NG BANSA
anti-pork barrel at anti-political dynasty law ito ang dlwang btas na kailangan ng bansa ntn ngyn, natumbok ni myor lim ang tunay n prblema ng korapsyon s bnsa, mabuhay po kau!—092357880++
NAG-IISA LANG!
kahnga-hanga c myor lim, tama kau chairman santos, wlang senador o congressman na magsusulong laban s abolisyon ng pork barrel at buwagin ang political dynasty sa bansa, wala nang tatakbo politiko sa halalan, talagang nag-iisa lng ang mayor lim natin! —0908237100++
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos