Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maraming isda, umulan sa dream

Ello s u senor,

Nngnip po ako, marami dw isda, den, mya2 dw ay naligo ako dahil umuln dw po, pls interpret aman po, wag u alng llgay # ko.. slamat po s inyo—kol me liliwboy, tnx!!

To Liliwboy,

Ang isda ay may kaugnayan sa insights mula sa iyong unconscious mind. Kaya ito ay nagpapahiwatig ng insights na lumutang o nabunyag. Alternatively, maaari rin namang may kaugnayan ito sa pagbubuntis. May ilang mga kababaihan na nananaginip ng isda kapag sila ay buntis o naglilihi. Ang isda ay isang ancient symbol din ng Christianity at Christian beliefs. Dahil ikaw ay lalaki, posibleng may kinalaman ito sa pagbubuntis ng kasintahan, asawa o malapit na kamag-anak o kaibigan na mayroon kang totoong concern o mayroon kang direktang kaugnayan o kaya naman ay may direktang epekto ito sa iyo. Maaari rin namang ito ay isang paalala sa iyo ukol sa isang sitwasyon na hindi maganda na dapat mong paghandaan at harapin. Nagsasaad din ito ng pang-unawa at pagiging malinaw ng i-lang bagay. Ito ay maaari rin na nangangahulugan na lumalayo ka sa isang tao at ayaw mo ito o ayaw mo silang maging malapit sa iyo.

Hinggil naman sa panaginip mo na naliligo sa ulan, ito ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong mga suliranin at kaguluhan sa buhay. Ang ulan ay simbolo rin ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya.  Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak o kalungkutan.  Maaari rin na ang kahulugan ng paliligo mo sa iyong panaginip ay ang paglilinis o washing away ng difficult times. Kasama na rin dito ang pagtanggal sa iyong sarili ng old ideas, notions, opinions, at iba pang mga negatibong bagay. Ito’y nagsasabi rin ng ukol sa forgiveness at letting go.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …