Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gud pm sir,

Pki interpret namn po ung dreams qo kc ppo lgi pong nsa panagnip qo ung ex boyfriend qo na kptbhay lng po naming meron na po akong aswa at 1 ank at xa dn po my pmlya na sna po mbsa nio agd 2ng message qo kc po nagu2luhan na po aqo ee.. anu po b ibg svhn nun? kim po pla nym qo. .sna po wg nio na lang ipakta ung # qo. . slmt po. .

To Kim,

Kapag nakita mo ang iyong ex-boyfriend sa iyong panaginip, ito ay maaaring nagpapaalala sa iyo ng mga bagay na hindi magaganda na nangyari sa inyo noong kayo pa. Posible rin na kapag nagkakaroon kayo ng  misunderstanding o problema ng mister mo, nagkakaroon ng comparison sa isipan mo sa pagitan ng ex mo at iyong asawa—kaya lumalabas ang ex mo sa iyong panaginip. Nagpapahiwatig din ang bu-ngang tulog mo ng kawalan o kakulangan ng pakikipagkomunikasyon.  Maaari rin na nagsasabi ito na nawala ang ilang aspeto ng iyong pagkatao o pakiramdam. Ang ganitong panaginip ay maaari rin namang nagsasabi na umaasam ka pang mag-kabalikan kayo ng ex mo kaya ganito ang tema ng iyong panaginip.

Subalit dahil sa tema ng text mo ay hindi ko naman napulsuhan na may gusto ka pa rin sa ex mo, sa halip, sa tingin ko ay mahal mo ang iyong pamilya at mahalaga ito sa iyo. Kaya, maaaring ang rason ng panaginip mong ganito ay dahil nag-aalala ka na maging dahilan ang nakaraan mo o ang iyong ex para magselos ang iyong asawa at eventually ay masira ang inyong pamilya. Kung malinis naman ang iyong konsiyensiya, hindi mo na ito dapat pang isipin. Makabubuti rin na umiwas ka sa iyong kapitbahay na ex mo, para mas safe o walang malisyang maibibigay sa inyo ang sino man. Ipakita mo rin sa iyong asawa kung gaano mo siya kamahal at isa kang ulirang asawa at nanay. Pero kung talagang binabagabag ka ng bagay na ito, mas mabuting kausapin mo nang masinsinan ang iyong asawa, kung hindi niya alam na ex mo ang inyong kapitbahay, sabihin mo sa kanya ang katotohanan at ang lahat-lahat at i-assure mong wala ka nang feelings sa ex mo at ang iyong asawa at pamilya ang pinakamahalaga sa iyo. Good luck sa iyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …