Junjun: Pa, may multo raw sa kusina natin?
Papa: Anak, sino naman nagsabi sa iyo niyan?
Junjun: Si Mama po!
Papa: Ay nako, wag ka nga magpapaniwala do’n! Wala namang multo ‘e! Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina at iinom lang ako ng tubig!
***
Teacher: Miguel spell horse!
Miguel: H… O …
Teacher: Bilisan mo
Miguel: H … O … R …
Teacher: Sabing bilisan mo …
Miguel: Ya! Tigidig! Tigidig! Tigidig!
***
Isang bata ang inutusan para bumuli sa isang store ng juice na nasa sachet
Tanong ng Bata: Ale, pabili nga po ng isang juice na nasa litro pack.
Wika ng Aleng Tindera: ‘Yung powder ba?
Sagot ng Bata: Ba’t Ale, may bareta ba ka-yong juice?