Hai,
Ako po c jesselyn nanaginp po ako na kngusap daw po ako nang panginoon at ang sav nya magugunaw na daw po ang mundo kaya kailangan ko daw po blaan ang kaht nang nririto sa mundong ibabaw tpos lath daw po nang wlang paniniwala sa kanya at walang pananalg ay miiwan dto sa mundong ibabaw sa pakagunaw nang mundo matnding pasakt daw po ang mararanansan nto. Pls po wag nyo na pong ipost ang # ko gusto ko po sana na masagt ang panaginip ko.
To Jesselyn,
Kapag nakita mo ang Diyos sa iyong panaginip, ito ay may kaugnayan sa iyong spirituality at expression ng iyong damdamin ukol sa kabanalan. Ang Diyos ay simbolo rin ng untouchable, unreachable, at unattainable notion of perfection. Ito ay maaaring may kaugnayan din sa pagbibigay empasis sa pagnanasa at pagsisikap na maging perfect. Kaya maaari rin namang ang kahulugan nito ay ang highlight ng iyong pagsusumikap at pagsubok na makamit ang pagiging perpekto. Ito ay may kaugnayan din sa paghahanap mo ng mga bagay na dapat mong ituwid at mga bagay na mahalaga sa iyong buhay. Normal lang na mapanaginipan mo ang Diyos sa mga pagkakataong ikaw ay naliligalig ang pag-iisip, may suliraning malaki o nawawalan na ng pag-asa sa buhay dahil nakasanayan na natin (kahit na ano pa ang relihiyon mo basta naniniwala ka sa Diyos) na sa ganitong mga pagkakataon ay mas nagdarasal tayo at umaasa ng patnubay at tulong mula sa Kanya. Kaya isa rin ito sa maaaring rason ng panaginip mo.
Ang hinggil naman sa panaginip mo na magugunaw na ang mundo, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay under a tremendous level of stress. Maaaring pakiramdam mo, ikaw ay vulnerable or helpless sa ilang sitwasyon. Kung makakatulong sa kapanatagan ng iyong isipan, mas dalasan ang pagsisimba at laging magdasal bago matulog.
Señor H.