Friday , November 15 2024

Gumagapang na ahas sa dream

Hello sir senor,

Lagi ko binabsa kolum nyo s hataw, pakintepret po puwede b? Ngdrims ako ng snake gmagapng daw, tas naman, may lumabas na buwaya, bkit po b ganun drims ko, ako csagittariusprincess, fr. baguio cty… tnx …

To Sagittariusprincess,

Ang panaginip ukol sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, su-balit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa i-yong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at po-sitive changes.

Ang buwaya naman ay sumasagisag sa freedom, hidden strength at power. Nagbababala rin ito ng nakatagong pa-nganib, may taong mala-pit sa iyo ang nagbi-bigay ng masamang advice at inuudyukan ka upang makagawa ng maling desisyon. Ang buwaya rin ay nagre-represent ng iyong conscious and unconscious pati na ang emotional at ang rational na bahagi ng iyong pagkatao.  Ngunit, maaari rin namang nagpapakita ito ng kakulangan ng sincerity kaya hindi ka dapat basta-bastang magtiwala sa mga tao, lalo na iyong hindi pa lubos na kilala.  Kung hinabol ka naman ng buwaya, maaaring babala ito sa pagdating ng disappointments sa pag-ibig, pati na sa negsoyo o pagkakape-rahan.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *