Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Condom na gamit ‘di naipakita ng gro kustomer inutas ni mister

GENERAL SANTOS CITY – Napatay ng live-in partner ng isang babaeng guest relations officer (GRO) ang kanyang kustomer nang hindi maipakita ang condom na ginamit nila sa pagtatalik.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Dennis Uctoso, 49, tubong Silay, Negros Occidental ngunit nangungupahan sa Brgy. Tambler, Gen. Santos City dahil sa sugat sa dibdib.

Una rito, nag-check-in sa lodging house ang biktima kasama ang GRO na si Inday Taburada, live-in partner ng suspek na si alyas Junjun.

Pasado 10 p.m. nang lumabas ang babae at agad hinanap ng suspek sa kanya ang ginamit na condom.

Ngunit walang naibigay ang babae na nagresulta sa pag-aaway ng dalawa.

Hindi na nakialam ang biktima sa away ng mag-live-in partner kaya’t lumabas na siya ng lodging house.

Ngunit sinundan siya ng suspek at sinaksak sa dibdib.

Ayon sa pulisya, kilala nila ang nasabing GRO maging ang kinakasama na selosong lalaki.

Kapwa hindi pa mahagilap ang dalawa matapos ang insidente.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …