MAGHAHATI ang dalawang mananaya sa P27.893 million prize makaraang mapanalunan ang jackpot ng 6/42 Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Offices nitong Sabado ng gabi.
Sa post sa website, sinabi ng PCSO, nakuha ng dalawang nagwagi ang tamang kombinasyon ng 11-21-12-04-20-08 para manalo ng jackpot.
Katulad ng dati, hindi tinukoy ng PCSO ang pagkakakilanlan ng dalawang nagwagi.
Nitong Biyernes, isang mananaya ang nanalo ng P78,792,744 sa Megalotto 6/45 makaraang makuha ang tamang kombinasyon ng 38-16-32-07-19-14.