Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konduktor na nakalanghap ng usok pinagaling ng Krystall Herbal oil at Nature Herbs

Dear Sis Fely,

Isa po akong konduktor biyaheng Novaliches hanggang NAIA via Edsa.

Nakapagbakasyon naman ako para sa pagsalubong ng  Bagong Taon, pero nitong a-uno ng gabi nang magbiyahe kami medyo nakaramdam na ako ng kakaiba sa aking katawan.

Pakiramdam ko nakasinghot ako ng maraming usok mula sa mga paputok kaya kinbukasan po talagang bagsak ang katawan ko. Masakit na masakit ang pulmon ko kapag inuubo ako at ang lalamunan ko ay tila nanunuyo pero labas nang labas ang plema. Akala ko noong una tonsillitis lang kaya uminom ako ng antibiotic pero binawalan ako ng misis ko kasi nga wala naman prescription ang doctor. Ang sabi niya ay hahaplosan niya ako ng Krystall Herbal oil at paiinumin ng Krystall Nature Herbs. Ganoon nga po ang ginawa ni misis. Nakatulog nga po ako nang mahimbing at pagkagising kinaumagahan ay medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Tatlong beses pa po inulit ni misis ang paghaplos ng Krystall Herbal oil at pag-inom ng nature herbs tuwing umaga at gabi.

Awa ng Diyos po ay magaan na ang aking pakiramdam ngayon at makapapasok na rin ako sa Lunes.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely sa kabutihang idinudulot ng Krystall products sa aming kalusugan.

Mabuhay po Kayo.

Andres Cañares

 

PAHULAAN

Alin sa mga produktong Krystall ang dapat gamitin kung ang isang tao ay mayroong bukol na matigas at mainit? Ipadala lamang po ang inyong kasagutan sa tanggapan ng Hataw na matatagpuan sa Room 103, Natinal Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila. c/o Ms. Gloria Galuno. Ang makapagdadala ng wastong kasagutan ang magwawagi ng premyo mula sa FGO Foundation.

(     ) Krystall herbal oil

(     ) Krystall Bukol Cream

(     ) Krystall Hemorrhoid ointment

(     )  Krystall Yellow tablet

Name:_____________________________

Address:__________________________

Tel. No.:___________________________

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …