NATUSTA ang isang paslit nang makulong sa loob ng nasusunog na bahay sa Brgy. Pamulogan, Cabatuan, Iloilo.
Halos kasing laki na lamang ng bote ng softdrink ang biktimang si John Paul Montilla, 6, nang matagpuan ang kanyang sunog na bangkay.
Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang 60-anyos lola na si Heldita Lorca na nakatira sa bahay ngunit nang sumiklab ang sunog ay wala ang matanda.
Inaalam pa ng mga bombero ang pinagmulan ng apoy. (BETH JULIAN)