Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Congratulations QCPD… “Making A Difference”

“MAKING a difference.”

Iyan ang tema ng Quezon City Police District (QCPD) para sa ika-74 anibersaryo na isinelebra kahapon sa QCPD Gen. Headquarters, Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Making a difference … oo, kakaiba kasi o masasabing malaki ang ipinagbago ng QCPD ngayon kaugnay sa kampanya laban sa kriminalidad.

Kakaiba sa mga nagdaang administrasyon hinggil din sa paglutas sa krimen sa lungsod at higit sa lahat ay pagsawata sa maaaring mangyaring masasamang aktibidades ng mga elementong kakampi ng ‘kadiliman.’

Naging kakaiba ang lahat sa QCPD dahil sa kakaibang pamumuno ni P/Chief  Supt. Richard Albano, ang District Director ng nabanggit na pulisya.

Sa paglutas ng mga naganap nang krimen, hindi na pinatatagal ni Albano ang paglutas dito at sa halip lagi niyang pinaaalahanan ang kanyang magagaling din na opisyal at tauhan na laging maging alerto. Kabilang sa kanyang direktiba ay lutasin agad ang mga kaso sa loob ng 24 oras.

Making a difference … oo, hindi lang kasi hanggang salita si Albano sampu ng kanyang katuwang laban sa krimen kundi aksyon ang laging ipinantatapat sa mga kriminal.

Maraming beses napatunayan ng QCPD ang kakaibang aksyon nila ngayon laban sa krimen simula nang pamunuan ni Albano ang Kyusi Pulis partikular na ang paglutas sa krimen sa loob ng 24 oras o di kaya sa loob lang ng ilang minuto.

Ang pagpatay kay Maconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo – sa loob ng dalawang minuto ay agad nalutas ang krimen makaraang maaresto ang isa sa suspek hindi kalayuan sa pinangyarihan. Ibig sabihin, agad nakaresponde sa crime scene ang mga operatiba kaya nadakip ang isa sa suspek.

Sa pamamagitan  ng nadakip, naaresto pa ang apat pang suspek kabilang ang lider nila na si Marsibal Abdulhadi alyas “Bagwis”  sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Heto pa, ang P5-million robbery hold-up sa Sct. Fuentabella noong Enero 20, 2013 – nadakip  sa loob lamang ng tatlong araw ang mga suspek na kinilalang  sina Richard Bansale at Maximo Ayao. Maging ang panloloob sa Tambunting Pawnshop, Calle Industria, Brgy.  Bagumbayan – sa isinagawang follow-up operation sa Quirino, Ilocos Sur nadakip ang isang  suspek sa loob lang ng limang araw.

Kung kampanya naman sa droga ang pag-uusapan,  nakakompiska ang QCPD ng 40 bricks (4.4 kilos ng marijuana) kay Cyrus Marngo sa Araneta Center Bus Terminal Cubao noong Pebrero 22, 2013. Bukod dito, ang DAID din ay nakompiska ang 40 kilong shabu na nagkakahalaga ng P250 milyon.

Hindi lamang ang mga nabanggit na bunga ng kakaibang kampanya ni Albano laban sa krimen kundi pinaigting din ang ipinatupad na bus marshal at anti-motorcycle riding criminal (ARMC).

Sa patuloy pang kampanya, nadakip rin ang ilang high profile criminals na hindi lamang sa Metro Manila kumikilos kundi sa iba’t ibang lalawigan. Kabilang sa itinuturing na high profile criminal ay si Lyndon Alzate, ang tinaguriang most wanted sa Abra na naaresto noong Hulyo 6, 2013.

Kabilang din ang muling pagkakadakip sa kidnap-for-ransom (KFR) leader na si Bayan Abbas noong Hunyo 25, 2013.

Ilan lamang ito sa nalutas agad na krimen sa Kyusi sa ilalim ng kakaibang leadership ni Albano.

Ano pa man, sabi ng heneral, ang mabilisan din pagkalutas ng mga krimen ay dahil na rin sa pagsisikap at magagandang pagtrabaho ng mga opisyal at tauhan sa 12 police stations ng QCPD; Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU0; DPIOU, DAID at Ancar.

Siyempre, nandiyan din kasi ang siyento prosiyentong suporta ng command group kay Albano, tulad nina Deputy District Director  Sr. Supt. Joel D Pagdilao; Deputy District Director, Sr. Supt. Procopio  Lipana at Chief, District Directorial Staff (CDDS) Sr. Supt. Timoteo  Pacleb.

Muli, Gen. Albano, sampu ng mga bumubuo sa QCPD, kudos sa inyo.

Happy Birthday QCPD.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …