Monday , December 23 2024

Chief Inspector Bernabe Irinco takot sa DPS ni Fernando Lugo?

00 Bulabugin JSY

MUKHANG hindi kayang disiplinahin ng hepe ng Manila City Hall MASAMA ‘este’ MASA (Manila Action & Support Assignment) na si C/Insp. BERNABE IRINCO ang mga abusadong tauhan ni DPS (Department of Public unSafety ‘este’ Safety) officer in-charge (OIC) Fernando Kulugo ‘este’ Lugo, na hindi lang basta nagdadala ng baril kundi panay pa raw ang DISPLAY ng kanilang armas.

Ang ipinagtataka natin dito, bakit ganyan kalakas ang loob at kakapal ang mukha ng mga tauhan ni Luga ‘este Lugo na magdala at mag-display ng baril?!

May permit to carry firearms outside residence ba ‘yan?

Aba ‘e ang ALAM natin, napakahirap kumuha ng permit to carry ngayon at kung meron ka man permit to carry ay kailangan nakatago at hindi for public viewing!

Pero ‘yang mga tauhan ni Kulugo ‘este’ Lugo ‘e parang wala-wala lang daw… walang takot sa pagdi-DISPLAY ng baril. Walang takot sa pambubugbog at pambu-bully sa mga taga-Barangay 659-A.

‘Yang pagdi-DISPLAY ba ng baril sa bewang nila ang ‘simbolo’ ng kanilang liderato at kaangasan para matakot at paniwalaan sila ng mga tao?!

O ‘yang pagdi-display nila ng baril sa bewang ang ginagamit nilang pam-BULLY sa tao?!

Kung dati ay napakatahimik ng barangay kung saan naroroon ang Manila City Hall, ngayon ang Arroceros ay tila ‘place of terror’ dahil sa pinaggagagawa umano ng mga tauhan ng DPS.

Sa lugar na iyan itinatambak ang mga kalat mula sa mga kinompiskang paninda mula sa mga vendor na hindi kayang umupa ng orange tent kaya nagtitiyagang magtinda sa bangketa.

Sabi nga ng mga vendor na ‘yan, akala raw nila magwawakas na ang kanilang abang kalagayan kapag si Erap na ang alkalde ng Maynila.

Hindi pala.

Lalo lang silang nasadlak sa kawalang katiyakan at ngayon nga ay nagbabanta pang mawalan ng pagkakakitaan dahil sa napakabarbarikong ASTA nina Luga ‘este Lugo na umano’y binabasbasan ni talunan Konsehal LeCHE ‘este’ Che Borromeo

Pwe!!!

VHONG NAVARRO WAS IN WRONG ‘LUST’ este LOVE IN A WRONG PLACE AND TIME

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga Pinoy, from all walks of life ang trahedyang naranasan ni Vhong  Navarro, all in the name of lust ‘este’ love?!

Base sa mga naglalabasang salaysay, ‘mayroong paglalaro ng apoy.’

Kumbaga mayroong FLIRTING and SEDUCTION from both sides.

‘Yung tipong kapwa mayroon na silang KABIT ‘este’ SABIT, pero gusto pang kumamb’yo at kumaliwa … baka nga naman makatikim ng kakaibang putahe.

Hehehehe …

At sa ating pagtingin, mukhang doon lang naman nagsimula ang lahat.

May gustong makaisa at mayroon naman gustong sumubok sa pang-iisa.

Mutual ang kanilang mga pakiramdam kaya nga nagkapanagpo sa CONDOMINIUM na mukhang ang nagbabayad ‘e ‘yung papable ni bebot.

Aba, agrabyadong-agrabyado nga naman si papa … kakanain sa teritoryo niya na siya ang nagbabayad ng upa?!

SONABAGAN!

Kaya s’yempre PAPALAG ang kabit ‘este’ ang sabit.

Nalimutan ni Vhong na mayroong carnal rule at kahit sa sampung utos ng Diyos mayroong sinasabi na “Thou shall not covet thy neighbor’s wife.”

Sa layman’s term, “Ang kay Pedro ay kay Pedro, ang kay Juan ay kay Juan!”

Hindi natin kinakampihan ang ginawang pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee kay Vhong Navarro pero hindi naman ibig sabihin nito na iinitindihin natin ang  ‘FLIRTING’ ni VHONG at no’ng girl.

‘E kung nanahimik na lang siya sa bahay nila ng live-in partner n’ya ‘e di hindi pa siya nabugbog ‘di ba?

Pero malinaw ang sitwasyon, VHONG, then, was in a WRONG PLACE and a WRONG TIME … kumbaga HULI KA!

‘Yan tuloy, wasak ang pagiging MR. SWABE mo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *