Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Titser’ timbog sa pandurukot

KULONG ang isang mandurukot na nagpakilalang teacher, matapos mabuking ng kanyang dinudukutan sa isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si  Roel Santiago, 29-anyos, nagpakilalang teacher, naka-assign sa Departmnet of Education (DepeD) Valenzuela, pero walang maipakitang pagkakakilanlan.

Sa reklamo ng biktimang si Anthony Chan, 47-anyos, sakay siya ng pampasaherong jeep dakong 9:00 ng gabi at habang binabaybay ang Gov. Pascual Avenue, Brgy. Tinajeros, naramdaman niya ang sobrang kalikutan ng suspek at palaging ginagalaw ang dalang bag.

Nagulat si Chan nang maramdaman ang kamay ng suspek na nasa loob na ng kanyang bulsa at hawak na ang kanyang limandaang piso.

Agad nagreklamo si Chan dahilan upang dakmain ang suspek  at dinala sa presinto na sasampahan ng kasong theft.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …