Thursday , January 9 2025

Tibo grabe sa tarak ng pinsan

NAUWI sa trahedya ang masayang inuman nang pagsasaksakin ang 33-anyos tomboy ng sariling pinsan, nang tuksuhing torpe sa panliligaw ng kapwa babae, sa Taguig City kamakalawa ng ha-tinggabi .

Kinilala ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis, ang biktimang si Janita Pre-Era, mensahera, ng 27-B Taal St., Palar Village, Brgy Pinagsama, at kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek na si Kheiper Ba-layang, 20, residente rin sa lugar.

Sa ulat nina PO3 Eric Escobia at PO2 Victor Amado Biete, ng Investigation Detective & management Section (IDMS), dumating sa  lugar ang biktima, kasama ang ilang kababaihan na kasamahan sa trabaho noong Sabado, dakong 12:30 ng hatinggabi para mag-inuman kasama ang suspek na si Balayang.

Habang nagkakasa-yahan, kinantiyawan ng grupo si Balayang na hindi pa nakakukuha ng nobya dahil torpe at nadaig pa ng pinsang tomboy na may kinakasama na.

Nainsulto umano ang suspek kaya’t kumuha ng basyo ng bote at ipinalo sa ulo ng pinsan. Hindi pa nasiyahan, bumunot pa ng patalim at pinagsasaksak ang biktima saka ginilitan sa leeg at mabilis na tumakas.

Agad isinugod ang biktima ng kalive-in na si Juilie Ann, sa Taguig Pateros District Hospital, na ngayon ay masusing inoobserbahan ng mga doktor.  (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *