Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante todas sa ambush (Ate ng suspek tinalo)

PITONG bala ng kalibre.45 pistol ang pumatay sa 46-anyos negosyante matapos pagbabarilin ng dalawang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Antipolo City.

Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, chief of police, ang biktimang si Florencio Flores, nakatira sa #10 Bayabas St., Brgy. Cupang ng lungsod, habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklong walang plaka.

Sa imbestigasyon ni PO3 Renato Abalos, dakong 6:15 a.m. nang pagbabarilin ang biktima ng mga suspek habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Bayabas St., ng lungsod.

Nakuha sa lugar ng krimen ang pitong basyo ng kal. 45 pistol, isang live ammos, 3 deformed slugs at pito pang deformed slugs na nakabalot sa puting bond paper at may nakasulat na “Putang Ina mo, Pinakiusapan Na Kita, Wag Yang Ate Ko, Makulit Ka Yan Ang Bagay Sayo…Puts Ina Mo.”

Hinala ng pulisya, posibleng nagkaroon ng relasyon ang ate ng salarin na ikinagalit ng suspek dahil may asawa na ang biktima na dahilan ng brutal na pagpatay sa kanya.     (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …