Thursday , January 9 2025

Mister, grabe sa ligaw na bala

KRITIKAL ang kalagayan ng isang mister,  matapos masapol ng ligaw na  bala habang nasa inuman kasama ang kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Eduardo Acosta, 34-anyos, ng Santos St., Brgy. San Agustin, ng lungsod sanhi ng isang tama ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa likod.

Isang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad sa hindi nakilalang suspek na nagpaputok ng baril.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:45 kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente sa kanto ng M. Sioson St., Brgy. Dam-palit ng lungsod.

Dumayo lamang ang biktima upang makipag-inuman sa kanyang mga kumpare nang makaramdam ng pagsakit ng ti-yan dahilan upang magpaalam sa mga kainuman.

Patawid  na upang sumakay ng jeep ang biktima nang biglang matumba dahilan upang punta-han ng mga kaibigan at nang maibangon, nakita nila ang du-guan na katawan dahilan para isugod sa nasabing pagamutan.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *