Monday , December 23 2024

No Certificate of Proclamation ng An Waray o no vacancy sa House of Rep?

00 Bulabugin JSY

MATINDI ang protesta laban sa An Waray party-list representative na si Victoria Noel, kapatid ng dating representative na si Rep. Florencio Bem Noel, member ng Liberal Party at sinabing saradong alyado ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman Sixtong este Sixto Brillantes na hindi nila pwedeng bigyan ng certificate of proclamation si Noel dahil ito ay nakareserba na sa Abang Lingkod party-list na naghihintay na lang din umano ng desisyon mula sa Supreme Court.

Ang tanong ngayon, bakit nasa Kongreso (Mababang Kapulungan) at nakaupo bilang An Waray party-list representative si Victoria Noel?!

Walang certificate of proclamation pero naroon sa Kongreso?!

Kung magkakaroon ng mabusising imbestigasyon at gaya nga ngayon na ipinoprotesta ng isang radio announcer ang pagkakaupo ni Noel, alin ang susunding batas?!

‘Yung sinasabi ni Brillantes na walang certificate of proclamation o ‘yung accommodation ng Mababang Kapulungan kay Noel kaya wala nang bakante para sa iba pang party-list seat?!

Ibang klase talaga ang batas sa Philippines my Philippines, butas-butas.

May inilalabas na Omnibus Election Code ang Comelec perodahil kaalyado ng Pangulo kaya tinanggap ng Kongreso?!

Pero ang isa pang nakapagtataka, kung bakit nakabinbin pa ang desisyon ng Korte Suprema para sa Abang Lingkod party-list, e bakit ipinagereserba na ng upuan ni Brillantes?!

Lumalabas na nanalo para sa dalawang seat ang An Waray party-list ‘e bakit ayaw bigyan ng certificate of proclamation?!

Tsk tsk tsk …

Nililito ba talaga nina Brillantes ang mga batas ng halalan sa bansa para sa kanilang mga palusutan?!

Mukhang walang plano si Brillantes na ayusin ang Comelec, manapa ay lalong nasasadlak sa kawalan ng kredebilidad ang halalan sa bansa.

Hindi ba naiisip ni Brillantes na nakatatakot ang ginagawa niyang pagbalahura sa Comelec.

Election na lang ang tanging huling legal na sandata ng mga mamamayan na matagal nanag nagtitiis sa katiwalian ng mga nakagogoyong politiko  sa kanila.

‘E kung ganyang nabababoy pa?!

Saan pa mangungunyapit ang mga naagrabyadong mamamayan?!

Sa bundok at sa dulo ng baril na armalite?!

Sa mga tamang desisyon, proseso at tunay na katarungan na lang naniniwala ang maliliit na mamamayang Filipino, Chairman Brillantes …

Pakiusap lang, huwag mo na itong ‘NAKAWIN’ sa mamamayan.

DASMARIÑAS VILLAGE HOMEOWNERS’ ASSOCIATION MAY PANININDIGAN

SINIBAK na pala ng Homeowners Association sa Dasmariñas Village (DVA Inc.) sa Makati City ang Right Eight Security Agency.

‘Yan po aksi ‘yung security agency na na-involved sa illegal na pagpapapasok at pagpapadaan sa convoy ni Mayor Junjun Binay nong Nobyembre 30 ng nakaraang taon.

Mantakin n’yo naman, gumawa nga ng patakaran ang Homeowners para sa kanilang kaligtasan at umupa ng security guards para ipatupad ito pero natiyope sa mga ‘barumbadong’ government officials?!

Mukha nga namang hindi tama ‘yan?!  Breach of security nga naman ‘yan. E paano kung mga armadong kidnapper ang pumasok sa Village?!

‘E di malamang, nanganib ang buhay ng mga homeowner.

Tingin natin ‘e karapatan ng homeowners na panindigan ang kanilang patakaran para sa seguridad ng buong village.

At dapat nilang ipamukha kay Mayor Binay na siya ang dapat na unang magbigay ng proteksiyon sa kanyang constituents …

Hindi ‘yung siya pa ang unang nagpapakita ng hindi magandang halimbawa.

Anyway, naniniwala ako na mahuhusay, logical at matatalino ang mga tagapayo ng mga Binay.

Ang ganitong mga sitwasyon  ay hindi nila dapat hinahayaang nakadaragdag sa kasiraan ng kanilang kliyente kundi dapat ay maipakita nila ang ‘ika nga ‘e pros and cons ng insidente.

Huwag kasing magpilit pumasok sa masikip at madilim na sitwasyon …

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *