Thursday , January 9 2025

Vic, walang pretensiyong matino o makabuluhan ang My Little Bossings

A tale of two box office kings. Kapwa nagsanib-puwersa ang dalawa sa pinakamalalaking bituin sa showbiz sa Metro Manila Film Festival ng taong 2012: sina Senator Bong Revilla at Bossing Vic Sotto.

Lalo sa taong ito, both Bong at Vic are haunted by their past 2013. Si Bong, sa isyu pa rin ng pork barrel scam; si Vic, sa umano’y basura niyang filmfest entry.

Of the two embattled personalities, uunahin muna namin si Vic na pinuna ng manunulat na si Lourd de Veyra in what seemed like anovel-like commentary. For sure, marami na ang nakabasa sa pagkahaba-habang komentaryong ‘yon ni Lourd, only to hit the nail in the head more than halfway through his kilometric litany.

In defense of Vic’s entry, antimano naman ay wala naman ito ni katiting na pretensiyon na matino, makabuluhan at matalino ang kanyang pelikula. Kalabisan mang sabihin, but the intention of its producers (kabilang si Kris Aquino) was to make money.

And it did. Whether Lourd or any intelligent audience liked it or not.

But for the most part of Lourd’s open letter, nauunawaan namin ang kanyang punto that in this business, it’s not all raking in money. Like everyone else, we deserve a film worth our while dahil nagbabayad tayo.

Sa puntong ‘yon namin na-appreciate ang stand ni Lourd na sa estado ni Vic Sotto, it’s about time he did a film na hindi lang sa kikitain sa takilya ang pangunahing layunin, but rather a film worthy of space in the archives along with the classics na tunay na may kawawaan.

Lourd’s reference to Dolphy’s Ang Tatay Kong Nanay is a peg in itself. Kung tutuusin nga, Vic himself plays dual role sa pagiging tatay na at nanay pa sa kanyang mga anak whose mothers have disappeared for one reason or another.

May bomba kayang pasasabugin si Bong sa kanyang privilege speech?

KUMBAGA sa biyahe, our next stopover ay ang isyu naman kay Bong.

Panawagan ng senador, isantabi muna sana ang panghuhusga ng publiko sa kanya kaugnay ng pagkakasangkot sa PDAF (Priority Development Assistance Fund), o higit na kilala bilang pork barrel, until his privilege speech at the Senate on January 20.

Ayon sa mambabatas, sa takdang araw na ‘yon daw niya isisiwalat ang buong katotohanan, a long-overdue move na dapat sana’y ginawa na raw niya, pero hinarang lang daw ng kanyang kapwa senador na si Jinggoy Estrada.

Hindi lingid sa kaalaman ng buong sambayanan na ang “Pogi” na tinutukoy ng pangunahing whistleblower ay si Bong. ”Tanda” ang reference kay Senator Juan Ponce Enrile, samantalang “Taba” naman kung tukuyin si Jinggoy.

Of the three solons, nauna nang nagsumite sa Ombudsman ni Manong Johnny (Enrile) ng kanyang pahayag sa kanyang non-involvement sa scam. Weeks later, it was Jinggoy’s turn.

Nakaiintriga ang hint ni Bong in his forthcoming privilege speech: sasabihin na raw niya ang buong katotohanan.

Mapa-tsuper, masahista, parlorista, solvent boy, hostess, preso, illegal recruiter, estudyante, guro, call center agent, basurero, government employee, drug pusher, magsasaka, mangingisda…isama na ang girl, boy, bakla, tomboy sa buong Pilipinas, all of them are waiting with bated breath kung anong katotohanan ang isisiwalat ni Bong sa kanyang talumpati.

For all the world to listen, siguraduhin lang sana ng mambabatas na mala-bomba ang kanyang pasasabugin sa Senado, otherwise if it’s going to be a repetition of Johnny’s and Jinggoy’s statements of self-exoneration, mas masarap na lang matulog lalo’t malamig ang panahong hindi na kailangang buksan ang electric fan.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *