TAGUMPAY hindi kamatayan ang inihatid ng awiting “My Way” ni Frank Sinatra sa Pinay caregiver na lumahok sa “The X-Factor Israel” na si Rose Fontanes alyas Osang kahapon ng umaga.
Ang kantang “My Way” na lagi nang naikakabit sa kamalasan at kamatayan sa mga videoke bar ay ginamit na piyesa ni Osang sa championship ng “The X-Factor Israel.”
Ikinagalak ng Palasyo ang pagwawagi ng isang Filipina caregiver bilang kauna – unahang kampeon sa reality TV show “The X Factor Israel” kahapon.
“Binabati namin si Rose Fostanes sa kanyang pagiging kampeon sa X Factor Israel singing competition. Panibagong pagpapatunay sa kahusayan ng Filipino sa larangan ng sining at awitin. Dapat nating ikarangal at ipagbunyi ang maningning na talento ng Filipino sa buong mundo,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Si Fostanes, 47-anyos, ay apat na taon nagtatabaho sa Israel bilang caregiver at 20 taon nang overseas Filipino worker sa Middle East.
Ang paboritong kantahin ng mga Filipino sa karaoke na “My Way” ni Frank Sinatra, ang awit na nagdala kay Fostanes sa tagumpay.
Sa kanyang pagwawagi sa pamamagitan ng nasabing aiwitin, marami ang naniniwala na winalis ni Osang ang sumpa sa kantang “My Way.”
ni HATAW News Desk