INARESTO ang isang kapitan ng barangay na sinabing namuno sa 30 armadong lalaki sa pagsalakay sa isang security outpost ng isang land developer sa Sitio Balukbok, Barangay Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.
Kinilala ni Porac police head, Supt. Juritz Rara ang suspek na si Antonio Tolentino, kapitan ng naturang barangay at pangulo ng Aniban ng Nagkakaisang Mamamayan sa Hacienda Dolores.
Ang Aniban ay binubuo ng 100 settler-families na kinokombinsi na mailipat ng LLL Holdings Incorporated – Ayala Land upang bigyang-daan ang joint-venture land development sa lugar.
Ayon kay Atty. Richard Tabago, site manager ng LLLHI, pinamunuan ni Tolentino ang pagsalakay noong Enero 12 sa lugar na binabantayan lamang ng dalawang security guard.
“Tolentino himself led the attack at 4 a.m. including his son Ener, who, our security personnel saw armed with an M-14 rifle. Their companions were also armed with long firearms such as M-16, short firearms and bolos. They almost killed our two security personnel,” saad ni Tabago.
Pinaulanan aniya ng bala ng mga armadong lalaki ang lugar na nagresulta sa pagkasugat ng mga gwardyang sina Felizardo Clark, Jr., at Larry Sabado.
Nakaganti naman ng putok ang mga gwardya dahilan upang masugatan din ang dalawa sa mga sumalakay.
“They captured Sabado, roped his hands on the back, tinali ang kanyang leeg at ipinahila sa isang motorsiklo na pag-aari ng kompanya. The group of Tolentino stole our two motorcycles and destroyed another one,” dagdag pa ni Tabago.
“What these armed men did to Sabado is barbarism. They also tortured him while inside the house of the barangay chairman. He was hacked several times in the different parts of his body and hit him with the butt and muzzle of their guns. Wala silang ipinagkaiba sa Abu Sayyaf Group. Talagang balak nilang patayin kung hindi lamang nakatakas,” Tabago said.
Nakatakas si Sabado at nakahingi ng tulong sa Special Weapons and Tactics (SWAT).
Nabatid na ang Aniban ay kaalyado ng Alyansa ng mga Magsasaka ng Gitnang Luzon (AMGL), isang regional ally ng Kilusang Magbububukid ng Pilipinas (KMP).
Itinanggi naman ni Tabago na mga Aniban members ang sumalakay sa lugar.
(DANG GARCIA)