Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Estapador ng droga siningil ng bala

ISA sa anggulong sinisilip ng Pasay City police ang onsehan sa droga sa pagpatay sa 40-anyos lalaki, matapos pagbabarilin habang nakatayo sa tapat ng isang tindahan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Senior Insp. Wilson Villaruel, hepe ng Police Community Precinct (PCP-5),  ang biktimang si Herman Ortega, alyas “Tata,” miyembro ng “Sputnik Gang,” ng 629 Rodriguez St.

Malapitang binaril sa ulo at ilang bahagi ng katawan ng suspek si Ortega dakong 9:40 ng gabi.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS),  nakatayo sa harap ng isang tindahan si Ortega at kabibili lamang ng mais nang lapitan ng armadong lalaki na nakasuot ng crash helmet, puting t-shirt, may taas na 5’3” at agad  siyang pinagbabaril saka tumakas patungong Tolentino Street.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …