Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Produ ng Kimmy Dora, lugi at ‘di nabawi ang ipinuhunan

HINDI itinanggi ng Spring Films producer na si Erickson Raymundo na nalungkot siya sa kinahinatnan ngKimmy Dora:  Ang Kyemeng Prequel ni Eugene Domingo dahil hindi na nga ito kumita ay hindi pa napansin sa nakaraang 39th Metro Manila Film Festival Awards.

Pero hindi raw ibig sabihin ay titigil na siya kasama ang partners niya sa Spring Films sa pagpo-produce ng pelikula, “kapag may magandang material, why not, pero as of now ay sa shows at concerts kami magko-concentrate,” paliwanag ng CEO ng Cornerstone Talent Agency.

Iisa lang ang tiniyak ni Erickson, ”hindi na siguro kami sasali sa Metro Manila Film Festival, kasi hindi siguro para sa ganoon ang pelikula namin.”

Ang Kimmy Dora franchise ang alam naming prinodyus ng Spring Films at ang dalawang nauna ay kumita raw nang husto ng mapanood ito sa regular showing.

Eh, bakit kasi isinali ang Kimmy Dora:  Ang Kyemeng Prequel sa MMFF?

“Eh, kasi feeling namin papatok, pero okay na rin, at least na-experience namin ang sumali sa Metro Manila Film Festival,” paliwanag ni Erickson sa amin.

At tanggap na rin daw ng Spring Films producer, “hindi pa nababawi ang puhunan.  Sana maka-break even man lang.”

Pero ang maganda raw ay itong Kimmy Dora lang ang tumagilid sa projects ng Cornerstone sa 2013 dahil halos lahat ng projects daw nila ay successful at sa katunayan buwan palang ng Setyembre ay na-meet na ang target sales nila.

“Okay na, bawing-bawi kami September palang kaya maganda ang 2013 namin at ngayong 2014, feeling ko, mas gaganda kasi marami kaming concerts ang naka-line-up.

“Like ‘yung repeat ng Bamboo and Yeng concert, may tatlong provincial shows na kami, wala palang sa Metro Manila, tapos may major concert pa si Sam (Milby) ng September, tapos may movies siya na dalawa at itong ‘Dyesebel’, so kay Sam palang okay na.

“Tapos may concert din si Erik Santos, si Richard Poon may major show din at may kasama siya na hindi pa puwedeng sabihin, so kumbaga marami kaming projects na naka-line up this 2014,” kuwento ng managers ng mga nabanggit na artista.

At sa katunayan ay kagagaling lang ni Erickson kasama ang buong Cornerstone staff ng Zambales para sa isang planning session for 2014.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …