Thursday , November 14 2024

Happy Birthday Jun Magpayo

SI Amir Khan na nga ba ang mapalad na boksingero na makakaharap ni Floyd Mayweather Jr. sa susunod nitong laban sa May?

Ayon sa takbo ng mga pangyayari, mukhang si Khan na nga ang makakalaban ni Floyd.

Kamakailan lang ay putok sa lahat ng boxing websites sa internet na humihiling ng isang rematch si Adrien Broner kay Marcos Maidana na nakasaad na rin sa pinirmahan nilang kontrata sa naging laban nila noong nakaraang taon.

Matatandaan na sinisiw ni Maidana si Broner para manalo via unanimous decision.

Sa nasabing laban ay parang napahiya pa si Mayweather Jr. dahil kompiyansa siyang magiging madali para kay Broner na idispatsa ang kalaban.   Pero iba ang naging takbo ng istorya ng laban.

SA kaalaman ng hindi nakakakilala kay Broner, isa itong replica ni Mayweather pagdating sa istilo ng pakikipaglaban.   Kasama na roon ang sobrang kayabangan sa mga pananalita pati na ang shoulder roll nito ay kopyang-kopya.

Kaya nga nang sinisiw lang ni Maidana ang istilo ni Floyd, maraming tsismis ang lumabas na puwede nang iharap ang bagong kampeon ng welterweight kay Mayweather Jr.

He-he-he.   Pero hindi nga mangyayari ang ambisyon ni Maidana.  Dahil kamakailan ay isinara agad ni Floyd ang pinto para sa misyon ng gumiba sa kayang protégée.  Ayon sa kanya—nagpasya na raw si Broner na gamitin ang option nito sa isang rematch kay Maidana.

So, kung magkakaroon ng rematch sina Broner at Maidana, wala na nga naman sa eksena ang huli sa short list ni Mayweather para sa susunod niyang laban.

Ergo, isa na lang ang natira sa option ni Floyd—ang mahinang si Amir Khan.

Hanep, ligtas na naman ang mautak at tusong si Mayweather.  Nagawa na naman niyang makaiwas sa posibleng pagkatalo at makapamili ng pipitsuging boxer.

Pero tingin ko, gising na sa katotohanan ang mga boxing fans.   Alam na nilang pinaiikot lang sila ng kanilang idolo.  Kitang-kita na iniiwasan nito ang mga potensiyal na boksingero na tatalo sa kanya.

Alam naman natin na ang una niyang iniwasan ay si Manny Pacquiao.   Ngayon naman—si Maidana.

Ewan lang natin kung humakot pa sa pay-per-view ang laban ni Mayweather kay Khan.

Pero maraming eksperto ang nagsasabing malamang na semplang ang “buys” ng laban na iyon sa PPV.

oOo

Saludo tayo ngayon sa patas na trato ng Metro  Turf pagdating sa photo finish.

Bukod sa malinaw ang kanilang slomo replay, kitang-kita rin ang kinalabasan ng dikit na laban sa larawang ipinapakita nila sa monitor.

Sa ganoong paraan ay nabibigyan nila ng hustisya ang mga taya ng betting public.

Katulad na lang ng nangyari sa Race 11 noong Sabado na marami ang nag-aakala na lamang sa datingan sa meta ang Xiomara’s Pet at bitin ang remate ni Suave Saint base sa napanood nila.

Pero nang ipakita ang slomo, medyo dikit pala ang datingan sa finish line.   At nang ipakita ang opisyal na photo finish, nangusuan pa ni Suave Saint ang Xiomara’s Pet.

Maganda  ang presentasyong iyon ng Manila Turf—nawawala ang duda ng mananaya.

Isang bagay naman   ang dapat masaksak sa utak ng mananaya, hindi opisyal na datingan ang napapanood sa monitor.  Medyo lamang kasi ang nasa loob sa kuha ng camera sa Metro Turf kaya akala natin ay talo ang nasa labas.

Kaya nga malaking bagay ang meron silang slomo at larawan ng photo finish.

oOo

Belated Happy birthday kay JUN MAGPAYO na nagselebra  nitong January 12. Ang pagbati ay galing kina  Chr. Bado Dino & Luz Dino and the whole class 57 of Torres High School.

Alex Cruz

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *