Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNT kontra RoS

SISIKAPIN ng Rain or Shine na makaganti sa Talk N Text upang mapahaba ang winning streak at manatili sa ikalawang puwesto sa kanilang pagtatagpo sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 5:45 pm sa  Mall of Asia Arena sa Pasay City .

Pagbawi din ang pakay ng Air 21 sa SanMig Coffee sa 3:45 pm opener at ito’y upang hindi tuluyang malaglag.

Ang Elasto Painters ang pinakamainit na koponan sa kasalukuyan matapos ang apat na sunod na panalo kontra  Petron Blaze (99-95), Barako Bull (99-95), SanMig Coffee (101-77) at Globalpot (98-87).  Sila ay may 8-3 record.

Ang defending champion na Tropang Texters ay may 7-4 matapos na ma-upset ng Air 21, 102-100 noong Miyerkoles.

Si Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao ay sumasandig kina  Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Arana at Beau Belga. Makakatapat nila sina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro at Larry Fonacier.

Ang Air 21 ay nasa ibaba pa rin ng standings at mayroon lang tatlong panalo kontra siyam na talo. Kailangan ng Express a magwagi mamaya at sa Enero 18 kontra Rain Or Shine upang makarating sa quarterfinals.

Galing din sa morale-boosting na panalo ang SanMig Coffee kontra nangungunang Barangay Ginebra San Miguel, 83-79 noong Linggo para sa 4-7 record.

“I wish  we would play this way the rest of the way,” ani Mixers coach Tim Cone matapos ang tagumpay.

Sa una nilang pagkikita noong Disyembre 1 ay dumaan sa dalawang overtime period ang SanMig Coffee bago nanaig sa Air 21, 92-83.

Kumpleto na ang Mixers ngayon at wala nang nasa injured list. Sila’y sumasandig kina  two-time Most Valuable Player James Yap, Peter June Simon, Joe DeVance, Marc Pingris at Mark Barroca.

Si Air 21 coach Franz Pumaren ay umaasa  naman kina  Paul Asi Taulava, Mark Cardona, Joseph Yeo, Nino Canaleta at Eric Camson.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …