Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rotating brownouts ‘solusyon’ sa power rate hike?

011114_FRONT

NAGBABALA ang Manila Electric Company (Meralco) sa posibilidad na makaranas ng rotating blackout ang ilang lugar sa Luzon bunsod ng inilabas na 60-day temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court sa ipatutupad sanang mahigit P4 kada kWh na dagdag singil sa koryente.

Ayon sa Meralco, dahil sa TRO ng Korte Suprema ay sinasalo nila ang generation, transmission at iba pang  pass-through charges na dapat ay binabayaran ng mga consumer.

Posible anilang tumigil na sila sa pagta-transmit ng koryente kapag hindi nabayaran ang transmission charge.

Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang na namamagitan ang Department of Energy (DoE) sa Manila Electric Company (Meralco) at power generators upang hindi maunsyami  ang serbisyo sa koryente at makahanap ng praktikal na solusyon kung paano babalikatin ng dalawang panig ang fuel costs habang hindi pa nagpapasya ang Korte Suprema sa isyu ng power rate hike.

“While the SC TRO is pending and to ensure the continuity of service, the DoE has been in the process of mediating between Meralco and the power generators on a practicable solution as to how fuel costs will be shouldered between the parties and to reconcile their accounts depending on the final outcome of the case,” pahayag ni Energy Secretary Jericho Petilla.

Bagama’t sinabi ni Petilla na hindi naman nagbabanta ang power producers, kundi ipinaliwanag lamang na kailangan nila ng pondo para tumakbo ang kanilang planta, binigyang-diin niyang aalamin nila ang magiging epekto ng temporary restraining order (TRO) ng SC sa power producers.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …