Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Uge, naba-blind item na nalunod na sa isang basong tubig?

MAY na-blind item sa Facebook. At galit na galit ang nag-blind item tungkol sa isang celebrity. Taga-industriya rin siya at ang nagparating naman sa kanya ng reklamo eh, kaibigan niya na katrabaho naman ang nasabing celebrity.

Ang paratang nalunod na raw sa isang basong tubig ang celebrity. Ask ako kung ano ang mga paratang para masabi ‘yun. Umano, pinaglaruan daw nito ang isang taga-production at kung ano-anong mga request at demand ang iniutos eh, nasa liblib ang location nila.

Marami na agad ang tumukoy sa na-blind item. Karakaraka. May nagsabi na rin sa akin kung sino.

Kaya, tinanong ko mismo ang tinutukoy kung may katotohanan ba ang nasabing paratang na sa set ng Barber’s Tales daw nangyari—na sa liblib na mga lugar sa Tanay pala nagsu-shoot.

Ang mga artista rito ay sina Gladys Reyes, Iza Calzado, Danie Fernando, Sue Prado, Nicco Manalo, Sharmaine Buencamino, Nonie Buencamino, at ang bida eh, si Eugene Domingo.

Hindi pa raw naman naririnig ni Euge ang sabi-sabing ito. Pero sumagot siya in general.

“In general, the way I work—lahat ng ini-request ko in every production ay laging part ng pre-arrangement and agreement between my side, our line producer and staff. Pwede ka magtanong sa kanila mismo.

“Thanks for asking! Objective naman ako. You may ask also our production -October Train and APT. At sa kahit ibang production din kung talagang gusto nila malaman how I work.

“As for me, happy-happy lang at happy naman kami nina direk Jun Lana. And I believe we are traveling again with the film in other festivals pa so looking forward to that. Enjoy kami lagi riyan.

“Eto na lang, super sarap ng bonding namin sa Tanay, Rizal with the cast and crew. Paligo-ligo pa sa ilog ‘pag may time. Sa totoo lang, nasanay na kami roon na walang kuryente, walang signal, super simple. Unforgettable ‘yun. At REWARDING.”

So, sino ang sinasabi’ng ‘pinaglaruan’ daw niya?

Open naman si Euge na tanungin ko mismo ang produksiyon nila kung mayroon ngang ganoong insidenteng naganap.

Sino kaya sa mga kasama niya sa produksiyon at sa pelikula ang hahaba ang ilong? Ayaw ng ganyan ni Honesto, ha!

Si tito Nonie ang close sa kanya, ‘di ba?

Ai Ai, pinag-hahandaan na ang movie with Gov. Vi

RESBAK daw sa 2014 ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas!

Dahil nga ilang buwan din siyang namahinga at nanahimik dahil na rin sa mga dumaanng bagyong masasabi sa buhay niya, Ai Ai wants to start the year with a clean slate, lalo na sa kanyang career.

Kaya, ngayon pa lang, she’s getting ready na sa hiniling niyang proyekto kay tita Malou Santos saStar Cinema, na ibigay sa kanya ang MMFF (Metro Manila Film Festival) slot for 2014.

Sa kanyang Tanging Ina series patuloy na naiputong sa ulo ni Ai Ai ang korona bilang Box-Office Queen.

But this time, she’s hoping to see herself in a project with her idol and favorite actress—ang Batangas Governor na si Vilma Santos.

Nasabi rin nito in one of her interviews na ready na rin siya to delve into politics!

She’s always been inspired by Mother Teresa sa mga pagtulong na ginagawa niya, without the photo ops sa iba’t ibang tahanan para sa mga may edad na, pati na sa mga kababaihan at sa mga sinusuportahan ng mga kaparian. Nagpapakain, nagpapaligo, nagbibigay-saya sa bawat isa.

If there’s one person who keeps her sane all these time—it’s her panganay Sancho Vito.

Nakaiisip ba kayo ng peg sa istorya o katauhang magandang sakyan ni Ai Ai for the coming festival. Comedy pa rin ba? O drama naman?

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …