Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye nina Dawn at Goma, shelve na rin? (Matapos tanggihan ng aktres ang pelikula)

ANYARE sa lakas ng tandem nina Richard Gomez at Dawn Zulueta?

Una, tinanggihan ni Dawn ang movie na pagsasamahan nila ni Goma dahil napagod na umano sa ganoong klaseng role. Pinalitan siya ni Gretchen Barretto.

Pero how true na pati ang serye nila ay na-shelve na rin?

Sarah, pwede nang makipagrelasyon

BAGAMAT wala pa ring pag-amin kina Sarah Geronimo  at Matteo Guidicelli, naramdaman daw ng Pop Princess na mas understanding na ngayon ang parents niya sa mga pinagdaraanan niya, na minsan ay normal lang ang ma-in love at minsan, nasasaktan.

Facial expression pa lang daw ni sarah ay nararamdaman na ng parents niya kung mayroon siyang dapat sabihin kaya wala raw siyang choice kundi mag-open na sa kanila.

Sa mga nakaraang relasyon niya, natutuhan din ni Sarah ang acceptance na hindi sila para sa isa’t isa. Natutuhan din niyang magmahal ng tapat at sorry na lang kung hindi ito sinuklian at hindi siya ipinaglaban.

‘Yun na!

Rachelle Ann at Slater, nagde-date

KAPUSO si Rachelle Ann Go pero laging Kapamilya ang nali-link sa kanya.

Kung noon ay si John Prats, ngayon ay napapabalita namang si Slater Young ang nakaka-date ng magaling na singer.

Ang kilig factor nila ni Christian Bautista sa Sunday All Stars ay hanggang show na lang at walang balikan blues na nangyari.

Alessandra, may ambisyong maging direktor

MAY ambisyon din palang maging director si Alessandra De Rossi balang araw.

“Pero parang feeling ko sa sobrang perfectionist ko baka sumakit lang ang ulo ko. Eh, bilang hindi nga ako masyadong nagagalit, iiyak na lang ako sa gilid, ‘Ang pangit-pangit ng pelikula ko! Charot!

“Basta siguro one day kapag ready na akong magdirek,” aniya.

Mahusay siyang aktres kaya posible rin na maging magaling siyang director?

“Tingnan natin. Minsan naman hindi rin siya ganoon? Baka sa emotional side lang pala ako magaling tapos sa teknikal, or chaka ‘yung  shots ko or whatever, hindi natin masasabi iyan, ‘di ba?Hindi pala ako ganoon ka-creative pagdating sa storytelling pero marunong ako sa emotions, so hindi ko alam. At saka mayroong mga direktor na ang galing magturong umarte pero ‘pag sila na ‘yung umaarte, hindi nila kaya. ‘Yung mga ganoong level,” sey pa niya.

Tsuk!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …