Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Jolo, nag-bonding sa Dubai at Abu Dhabi kasama si Thirdy

HALATANG masaya at kuntento na ngayon sa kanyang buhay pag-ibig ang kaibigan naming si Jodi Sta. Maria. What else can I say dahil noong Disyembre 26 after ng Pasko ay sabay pala silang umalis ni Jolo Revilla patungong Dubai at Abu Dhabi kasama si Thirdy at bumalik ng ‘Pinas ng Disyembre 30.

Of course, ninamnam ng dalawa ang naturang bakasyon para makapag-bonding, the fact na hindi naman lingid sa ating kaalaman ang totoong itinatakbo ng kanilang relasyon ngayon! Inamin ito sa akin ni Jodi nang bisitahin ko ang sikat na kiligserye queen sa taping mismo ng number one daytime drama series na Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

“Okey naman! Okey lang!” bungisngis pa nitong tugon sa akin.

“Basta kung anumang mayroon tayo ngayon, sabi nga nila, enjoy it! Kasi Marse, hindi naman natin hawak ang panahon dahil hindi pa rin natin masasabi ang mangyayari bukas o makalawa. Basta happy ako at happy naman siya, ganoon lang muna. Stay happy lang!”aniyang pag-amin.

Maya at Ser Chief, gagawa ng movie

Mukhang mahaba-haba pang tatakbuhin ng seryeng BCWMH?

“Yes! ‘Yun ang sabi nila sa amin kasi wala pa namang nagsasabi sa amin na hanggang ganitong buwan na lang kami or mag-last taping na kami and everything! So far, maganda naman lahat ng natatanggap naming feedbacks and ‘yung commercial loads namin, nakatutuwa!” aniya.

Tuloy na ba ang pelikulang pagsasamahan nila ni Richard Yap this year?

“Yes. Nasa plano na siya. Isang dramatic-romantic movie na gagawin namin together. Tapos ngayong January 12 ay mapapanood na rin natin sa local boobtube ang ginawa naming maggi tvc ni Richard. ‘Yung sa ABS-CBN mobile ay napapanood na rin natin and sana mas maging fruitful pa ang 2014 sa ating lahat ‘di ba?” aniyang muli.

Sa pagkakaalam ko ay napakaraming project line-ups for Jodi sa bakuran ng Dos. Pero mukhang hindi ito magagawa ni Jodi lahat this year.

“Oo nga eh kasi running pa itong teleserye namin na sobrang nakatutuwa yung response ng tao dahil gusto pa nilang pahabain. Sobrang daming biyaya, sige lang, take it slowly lang, kaya nga super thankful ako sa ABS-CBN sa tiwalang ibinigay nila sa aming lahat for this serye at may ibabalita ako sa ‘yo next week kapag maayos na ang lahat!” aniya.

Ibinalita rin sa akin ni Jodi na sobrang nag-enjoy ang unico hijo niyang si Thirdy nang dalhin niya last January 1-3 sa Singapore at Malaysia para ipasyal sa LEGOLAND!

“’Yung happiness sa mukha ng anak ko, hindi niya man nasasabi sa akin ng deretso, kitang-kita ko sa mukha niya na nag-eenjoy siya. Marse, alam mo naman kung gaano ko kamahal ang anak ko, lahat ng ito para sa kanya. Ganyan ko siya kamahal!” ” aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.

Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …