Saturday , November 23 2024

Igalang natin ang karapatan ng mga artista

NAGNGANGAWA na naman ang mga walang maisulat nang sagutin ni Kim Chiu ang mga impertinenteng tanong ng mga movie scribe na walang alam itanong kundi ang tungkol sa mga relasyon chuchu ng mga artista.

Asus, in unison na naman ang mga napahiyang movie scribe nang tanungin nila si Chiu hinggil sa kanilang relasyon kuno ni Xian Lim, sa katatapos na presscon ng kanilang pinaka-latest na pelikulang hindi naman talaga mag-iiwan ng bakat sa kasaysayan  ng pelikulang Pinoy.

Tipong, gustong panghimasukan ng mga intrigera-na-wala-sa-lugar ang status daw ng relasyon ng dalawang bida sa latest offering ng kanilang mother studio na hindi na natin babanggitin ang titulo chuva.

Masama bang sabihin ni Kim Chiu na hayaan lang sila ng kanyang dyowa ang kapurit na parte ng kanilang pribadong buhay?

‘Wag sabihing sila’y private property dahil kahit magkaganoon pa man, meron pa rin silang pribadong buhay na dapat sa kanila lang nakalaan.

‘Wag abusuhin ang mga artista na inaakala nating mga bagay lamang na hindi dapat pahalagahan. Halimbawang tayo ang nasa kanilang kalagayan, ano naman kaya ang ating magiging reakasyon sakaling maka-encounter din tayo ng katulad na sitwasyon?

Hinay-hinay lang mga kapatid sa mga paraan ng mga pagtatanong. ‘Wag na natin dalirutin ang personal nilang buhay hane.

Bakit hindi ang merito ng kanilang mga pelikula ang inyong himayin para sa kaalaman ng mga manonood.

***

Punta naman tayo sa iba pang mukha ng libangan, ang politika ng Pinoy.

Nakapanlulumo naman ang ginawi ng isang taong simbahan nang kanyang bisitahin sa hospital ang dating pangulong GMA. Kung tutuusin, kilalang kritiko ng dating lider ang nasabing taong-simbahan na hanggang ngayon ay kilala sa kanyang krusada laban sa jueteng at ba pang gawaing ilegal na karaniwang sangkot ang ating mga politiko.

Hindi na tayo magtataka kung bakit laging nakaalalay ang simbahan sa mga naka-upo sa estado at kung sila’y pumuna man hindi sagad-sagaran gaya ng mga ginagawa ng mga melitanteng grupo.

Hindi na tayo nagtaka kung bakit halos sabay-sabay na dumalaw sa nanay ni Mike Arroyo, ang mga Noli de Castro, FVR at Erap Estrada.

Bigla kong naalala na meron pala silang common denominator-pare-pareho silang may bahid ng korapsyon na nakakabit sa kanilang mga pangalan.

Si GMA ay ang pinaka-latest na nakulong na dating presidente ng bansa dahil sa kasong prunder at electoral sabotage.

Si Noli de Castro, ay isa rin sa mga personahe na isinasabit noon sa mga chop-chop na sasakyan at ang anomalya sa pabahay noong siya’y bise presidente pa.

Oo naman, si FVR ay pamoso sa kanyang ginawang pagmamani-obra sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) na umano’y pinagkakitaan niya ng malaking (kickback) salapi nang gawing commercial center ang Global City na ngayon ay pinag-aagawan ng Taguig at Makati.

Teka, totoo ba ang balita na merong malaking mall na ipinatayo sa bansang India si FVR at ang kanyang utol na si ex-senator Leticia Shahani ang namamahala?

Iisa rin ang naging kaso nina GMA at Erap Estrada, na nakulong nang halos 7 taon dahil sa kasong plunder (pandarambong), na nakalaya lamang matapos bigyan ng presidential pardon ni GMA.

Sa ganitong kalakaran ng mga namamaraling mga pinunong bayan na sila’y naghahangad para sa kagalingan ng ating mga kababayan—mag-isip-isip na tayo mga kabayan.

Unang-una, huwag tayong palalansi sa mga pangako ng mga politiko na mabango lang ang masa sa tuwing sasapit ang halalan. At pagkatapos ng eleksyon—pahinog lang tayo dahil ang hirap hanapin ng mga tinamaan-ng-lintek na yan.

At sa 2016, gamitin natin ang matalinong pagpili sa mga taong karapatdapat na iloklok sa poder ng pamahalaan.

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *