SAN FERNANDO CITY, La Union – Namatay habang ginagamot sa ospital ang 3-anyos bata na nabaril ang sarili sa pinaglalaruan baril ng ama.
Kinilala ang biktimang si Christian Dave Bocarille, nag-iisang anak ni Elpedio Bocarille ng Brgy. Nagsabaran, Balaoan, La Union.
Ayon sa pulisya, dakong 12:30 p.m. nitong Enero 7 habang naghahanda ng pananghalian ang mag-asawa, nakarinig sila ng putok kasabay ng pag-iyak ng biktima.
Nakita na lamang nilang duguan ang biktima mula sa tama ng isang homemade .38 na baril na pag-aari ng ama ng paslit.
Ayon pa Balaoan police, kinuha ng bata ang baril mula sa bag ng ama na isang security guard.