Monday , December 23 2024

Viva Señor Jesus Nazareno

00 Bulabugin JSY

NGAYONG araw ay masasaksihan natin ang tila umaalong dagat ng pananampalataya ng mga debotong Pinoy.

Huhugos sa kalye (Quiapo) ang higit sa isang milyong deboto, para makahalik, makahawak, pumasan at sumama sa prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno.

Sa totoo lang, isa ito sa mga hindi matatawarang tradisyon at paniniwala nating mga Pinoy.

Deka-dekada na ang lumipas, pero bawat taon ay hindi nababawasan sa halip ay lalo pang dumarami at nadaragdagan ang bilang ng mga deboto na sa iba’t ibang sitwasyon at anyo ng buhay ay nakaranas ng HIMALA mula sa Poong Nazareno.

Sabi nga, ang paniniwala at pananampalataya ay nagpapalaya sa isang tao o sa lipon ng mga tao, ito ay positibong pag-unlad.

Pero kung ang isang paniniwala o panampalataya ay nagbabaon sa isang tao o mga lipon ng tao para maging atrasado, tingin natin ay kailangang may alpasan.

Pero sa kaso ng mga Pinoy, taon-taon ay nakikita natin kung paano nagkakaisa ang mga deboto para gunitain at parangalan ang Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno.

Marami ang sumasama sa kanyang prusisyon dahil bawat isa sa kanila ay nakaranas o nakaramdam ng mga pagbabagong nagdulot ng “positive impact” sa kanilang buhay.

At ‘yan po ang gusto nating bigyang-diin, kung ang pagsamba at paniniwala sa Mahal na Poong Nazareno ay nakatutulong sa bawat indibidwal para maging isang mabuti, mapagmahal sa kapwa at sa bayan, naging mapagtaguyod sa kanyang pamilya ‘e bakit natin pipigilan?!

Sabi nga respetohan lang ng paniniwala at tradisyon.

Kaya sa atin pong lahat, pagtibayin natin ang ating pagiging makabayan, makatao, at maka-Diyos habang pinagtitibay pa natin ang debosyon sa Mahal na Poong Nazareno.

VIVA Señor Jesus Nazareno!

BAGONG TORO REPORTER GINAGAMIT ANG ALAM AT HATAW SA PANGONGOTONG

GUSTO ko pong magbigay ng BABALA sa lahat ng mga opisyal ng barangay at pulisya sa Maynila at iba pang lugar sa Metro Manila, sa Northern Luzon, Central Luzon at sa Southern Tagalog. Pati na rin po ‘yung mga taga-Bicol.  Mag-INGAT po kayo sa taong nagpapakilala na siya raw ay si EDWIN SARMIENTO, residente umano siya sa 266 Vanda St., Atdraman Vill. 2, Real, Calamba City, Laguna at CALABARZON reporter ng Bagong Toro na kinompirma ng editor nilang si Even Demata.

Bukod sa reporter umano siya, nagpapakilala rin umanong PASTOR si Sarmiento.

Si Sarmiento ay inireklamo ni Barangay Chairman  Remale Serame ng Brgy. 267, Sta. Cruz, Maynila dahil sa ikalawang pagkakataon ay nais na naman siyang kikilan.

Nang una umano siyang puntahan ni Sarmiento ay nahingan siya ng P3,500 at 10 kilong bigas.

Pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi na pumayag si Serame na mabiktima pa siya ni Sarmiento kaya nagreklamo na siya sa pulisya.

Nang dalhin sa presinto si Sarmiento, aba nakagugulat talaga ang dami ng MEDIA ID na nakasabit sa kanyang dibdib.

Nakitaan siya ng identidication card na siya umano ay member ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) pero nang i-VERIFY sa records ng ALAM ay hindi siya miyembro.

Dalawang ID pa ng ALAM ang gamit ng UNGAS, isang malaki at isang maliit.

Mayroon din nakuhang iba pang ID gaya ng MEDIA Kabayani, Journal, Remate, Bagong Toro, Parish Pastoral ID at ‘yung dalawang pekeng ID nga ng ALAM.

FYI po, isang ID lang po ang iniisyu ng ALAM, at hindi po kami nagpapalabas ng malalaking ID ng Media. Uulitin ko po, HINDI NAMIN MIYEMBRO si SARMIENTO.

Bukod sa mga ID, mayroon pang dalang mga advertisement contract ng HATAW at iba pang diyaryo si Sarmiento.

Inililinaw ko po sa lahat na matapos kong matanggap ang ulat ay agad kong ipina-verify ang status ng taong ‘yan.

Klaro po, walang kaugnayan sa HATAW lalo na sa ALAM ‘yang tarantadong Edwin Sarmiento na ‘yan.

Duda pa nga ako kung tunay niyang pangalan ‘yang ginagamit niya.

Inilabas po namin ngayon ang retrato ng BOGUS na ‘yan sa front page ng HATAW para makilala ninyo at huwag padala sa kanyang mga panloloko.

Inaarbor po ang taong ‘yan ng isang kasama sa trabaho, pero pasensiya na, pinag-aaralan na po ng abogado namin kung anong kaso ang pwedeng isampa sa walanghiyang ‘yan.

Inuulit ko po, hindi kami nagkokonsinti ng mga maling gawain.

MAYOR EDWARD HAGEDORN YOU’RE BARKING UP THE WRONG TREE

KAHAPON nakarating sa atin ang impormasyon na nagpatawag pala ng press conference si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn.

Ang press conference po ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa sa kanya sa Ombudsman ng isang crusading anti-graft lawyer.

Incidentally, this lawyer, Atty. Toto Causing, is our lawyer & ALAM President.

So nag-one-plus-one si Mayor Hagedorn at binanggit pa ang aking pangalan sa press-con n’ya na tila ako raw ang nagpapa-asunto sa kanya sa dahilang gumaganti raw kami sa kasong libelo na isinampa niya laban kay Joey Venancio.

Mayor, sa tapang at tibay ng paninindigan, ‘e isa po kayo sa iniidolo ko (noon). Wala po akong personal grudge sa inyo.

Si Atty. Toto Causing po ay nagdedemanda sa inyo base sa kanyang individual capacity bilang crusading lawyer.

Totoo po abogado namin siya, pero hindi po ito nangangahulugan na kaya nating saklawan ang kanyang mga paniniwala at paninindigan.

Ang pinakamaganda siguro Mayor ay sagutin at harapin ninyo na lang ang kasong isinampa ni Atty. Causing. Lalo na’t kung sa inyong palagay ay walang katotohanan ang kanyang mga akusasyon.

Uulitin ko po Mayor, wala po akong personal grudge sa inyo.

You’re still an IDOL to me.

PERYAHAN-SUGALAN SA BRGY. STO. NIÑO, TABING-ILOG, MARIKINA CITY

BAGO ang lahat, nakikiramay po tayo kay Mayor Del De Guzman na kamakailan ay pumanaw ang kabiyak dahil sa lymphoma.

Condolences po Mayor Del De Guzman.

Pero ito po Mayor, may kailangan kayong malaman kung hindi pa nakaaabot sa inyong kaalaman.

D’yan po sa Brgy. Sto Niño, sa Tabing Ilog, hindi kukulangin sa anim na mesa ng color games ang inilagay sa likuran ng rides (perya-sugal).

Isang alyas Bong Bungal ang poste at pakador. Aba, walang patawad dahil kahit sa panahon ng pagdadalamhati ni Mayor ay kinakaladkad ang kanyang pangalan.

Hoy Bong Bungal. May GABA ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *