Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasyente tumalon mula 5/f ng St. Lukes todas

010914_FRONT
ISANG lalaki ang tumalon mula sa hagdan sa pagitan ng ikalima at ikaanim na palapag ng Medical Arts Building sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni PO2 Lucy Paradero ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11 ang biktima na si Jose Bordeos, Jr., 31-anyos at galing ng Masbate.

Nabatid na naghihintay ng orthopedic doctor si Bordeos para sa konsultasyon nang bigla na lamang itong tumalon at bumagsak sa ground floor ng gusali.

Agad naitakbo sa emergency room ng ospital ang lalaki pero binawian din ng buhay.

Ipapa-check up sana si Bordeos kasama ang kapatid nang maganap ang insidente.

Ayon sa kapatid ng biktima, dati na rin nagtangkang magpakamatay si Bordeos sa kanilang probinsya.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …