Monday , December 23 2024

May limitasyon ang mga artista bilang public property

NATATANDAN pa namin ang madalas na sinasabi ng mga beteranong movie editor noong araw kagaya nina Aurelio Dacanay, Estrella Alfon, at Tony Nieva, ”may limitasyon ang pagiging public property ng isang artista. Iyong mga bagay na walang kinalaman sa kanilang propesyon ay hindi saklaw ng kanilang pagiging public property”.

Isa kami Roon sa mga peryodista na naniniwala sa ganyang sinasabi ng code of ethics ng mga mamamahayag. Noong araw kasi nabuhay kami na may sinusunod na code of ethics ang bawat diyaryo. Lehitimong diyaryo lang kasi noon eh. Noon kasi iba ang palakad sa mga tabloid. Iyong mga tinatawag na tabloid, iyan ang puro eskandalo. Iyong mga lehitimong diyaryo, sumusunod iyan sa code of ethics.

Ngayon ang mga sinusulatan namin, kahit na nga tabloid ang sukat ng diyaryo, naniniwala kaming ang mga ito ay lehitimong diyaryo. Kaya kahit na sabihing tabloid, sinusunod pa rin namin ang code of ethics.

Isang example riyan iyong love life. Iyong love life ng mga artista ay mga bagay na personal at walang kinalaman sa kanilang propesyon bilang mga artista. Kung sila mismo ang nagsasalita, why not? Pero kung may panahong ayaw nilang magsalita tungkol sa mga bagay na personal, kagaya ng love life, karapatan nila iyon. Hindi iyon saklaw ng “public property” principle.

Kaya palagay namin kung nakasagot man si Kim Chiu na, ”we don’t owe anyone an explanation” doon sa press conference niyong kanyang pelikulang Bride for Rent, karapatan niya iyon. Hindi mali iyon. Mas tama ang ganoon kaysa naman sa magsalita siya ng kasinungalingan.

Ewan kung ano ang opinion ng iba, pero kahit na sinong lehitimong peryodista ang tanungin ninyo, may karapatan kahit na iyang mga artista na sinasabi nating public property. Kahit na nga sa korte eh, pinapayagang huwag sumagot ang testigo kung inaakala niyang makasasama sa kanya ang maaari niyang isagot. Kaya kung hindi sila sigurado, ang rule eh huwag kang sumagot. Kung sa korte may ganoong karapatan, eh ‘di lalo na sa press conference.

Kahit na senado nga hindi nila mapilit ang mga testigo na ayaw magsalita. Hindi talaga tamang pilitin ang isang taong ayaw magsalita. Bakit gusto ba ninyong mangyari sa inyo ang ganoon?

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *