Monday , December 23 2024

Lunas sa presyo ng koryente, meron kung gugustuhin ni PNoy

SINUNGALING si Deputy Spokesperson Abegail Valte. Ganun ba? Bakit naman. Issang kasinu-ngalingan daw ang pahayag niyang wala nang magagawa ang Palasyo para lutasin ang problema sa napakataas na presyo ng koryente.

So, ibig bang sabihin nito ay may solusyon pa pero ayaw lang kumilos ng Palasyo? Ito ba ang nais ipahiwatig ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa kanilang pagkodena sa isa sa tagapagtanggol ni PNoy?

Sige nga, ano iyong solusyon?

Ayon sa BMP, hindi ang kawalan ng magagawa ang problema ng Palasyo kundi ang kawalan ng puso na maglingkod sa mamamayan dahil ayaw ng Palasyo na magalit daw sa kanila ang mga negosyante sa industriya ng koryente na sumusuporta sa pamahalaan ni Pangulong Aquino.

Naniniwala ang BMP na ito rin ang motibo sa likod ng pagsisinungaling ni Valte sa publiko.

Kinondena ng BMP ang pahayag ni Valte dahil wala itong ibang layunin kundi pwersahan ipi-natatanggap sa madla na walang remedyo ang presyo ng koryente at magbayad na lamang ng mataas kaysa maputulan ng koryente. Tinawag nila ang pahayag ni Valte na “iresponsable at sukdulang pag-aabandona sa taumbayan para lamang sa interes ng mga negosyate.”

“Ang kawalan ng sapat na kakayahan ng mga gaya ni Valte ang maysala kung bakit ang Pilipinas ang may pinakamahal na koryente sa buong Asya at nasa top ten sa buong daigdig.” Ito rin ayon sa grupo, “ang pangunahing dahilan kung bakit iniiwasan ng mga dayuhan mamuhunan ang Pilipinas.” Ganoonpaman, kinompirma ng mga mi-litante na tama si Valte nang sabihin niyang walang direktang magagawa ang Palasyo dahil inalis na ang kanyang karapatang makialam sa presyo nang maisabatas ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) noong 2001. Pero agad nilang sinabi na nagsisinungaling si Valte ng sabihin na walang kapangyarihan ang Ehe-kutibo para aregluhin ang pagsirit ng presyo ng kor-yente,

“Ang EPIRA ay isang batas at natural lamang na isang batas din ang kinakailangan para ipa-walang-bisa ito pero hindi lamang ito ang solus-yon. May mga paraan na maaaring gawin na saklaw ng kapangyarihan ng Pangulo na hindi sasagasa sa Kongreso at Hudikatura,” sabi ni Gie Relova, lider ng BMP sa Kalakhang Maynila at probinsya ng Rizal.

“Kahit pansamantala lamang, isang pirma lang ng Pangulo ay kaya na niyang suspendihin ang pagkolekta ng value-added tax (VAT) sa buo o sa isang bahagi ng industriya ng koryente. Sa ope-rasyon ng industriya, kumukubra ng VAT ang gob-yerno sa bawat transaksyon mula sa mga pagpasok ng inangkat na langis hanggang sa bawat konsumer ay napakalaki ng buwis na ipinapatong ng gobyerno. Pero ‘di gaya ng mga gumagamit ng koryente para sa komersyo at industriya, na kaya nilang ipasa ang kanilang gastos sa mga tumatangkilik sa kanila, ang masa ang kaisa-isang pumapasan ng buong bigat ng kapalpakan ng EPIRA at ng parasitikong VAT,” paliwanag ni Relova.

“Sa ganitong paraan (pagsuspendi sa VAT) pa lamang ay malaking ginhawa na agad ang matatamasa ng mamamayan dahil sa laki ng matitipid,” dagdag ni Relova.

May punto ang BMP, bakit nga naman hindi muna pansamantalang tanggalin ang VAT para sa koryente na isang malaking tulong sa masa.

PNoy… PNoy… kung tunay mong amo ang masa, wala kang ibang gawin kundi comply first before you complaint. Tama?!

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *