Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. ER, magpapaka-wholesome na raw sa susunod na MMFF

SA taong ito ay nagkaproblema si Governador ER Ejercito sa pagsali ng kanyang Shoot-To-Kill: Boy Golden simula pa lamang ng screening ng mga kalahok. Hindi na kasi agad ito pinalad na mapabilang sa mga napiling festival entry.

Natural na naging desmayado ang gobernador pero umiba ang ihip ng hangin at malaki ang kanyang pasalamat nang may isang kalahok na pelikula ang umatras kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makapasok.

Hindi lang doon nagkaroon ng sobrang pagkadesmaya si Gov. ER dahil noong awards night ay tanging Best Float ang kanilang nakuhang karangalan samatalang nakakuha ito ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board. Pero etsapuwera sa ibang kategorya at hindi man lang napasama sa tatlong Best Pictures na napanalunan ng mga pelikula nina Vice Ganda, Bimby Yap, at Ryza Mae Dizon at 10,000 Hours ni Robin Padilla na nanalo rin ng Gatpuno Villegas Memorial Award.

Aniya, ”Well, sa totoo lang eh, tayo naman ay totoong may salita. Napakaraming pelikula pero dalawa lamang ang graded A ng Cinema Evaluation Board, isa ay idinerehe ni Joyce Bernal (‘10,000 Hours’) at ang isa naman ay kay Chito Rono (‘Boy Golden’). Ahhh, napakadaling nominations na dapat pinagbigyan ng awards ang karapat-dapat.”

Kapansin-pansin na comedy at horror films ang mga nanguna sa takilya . Kaya naman, kahit maraming clamor sa kanya sa social media na gumawa ng action movie at gumanap na gangster ay mag-iiba na siya ng tema sa susunod na ilalahok sa pestibal. Tiniyak nitong hindi na sila pahihirapan dahil pang-wholesome na ang gagawing pelikula.  Naikuwento rin ng aktor na may plano siyang gumawa ng pampamilyang pelikula at ito ay tungkol sa karakter niPedro Penduko at makakasama niya rito si Angel Locsin bilang si Maria Makiling.

Ayaw nitong aminin na ito ang kanilang magiging panlaban sa susunod na pestibal pero sa tema ay pelikula, pampestibal ang pinaplanong pelikula. ’Ika nga, kung gusto mo ng magandang laban, sabayan mo ang mga kalaban para magkasubukan.

(Alex Datu)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …