Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BuCor medico legal, dedo sa ratrat

PATAY ang medico-legal officer ng Bureau of Corrections (BuCor) nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Muntinlupa .

Nadala pa sa Alabang Medical Clinic ang biktimang si Dr. Juan Villacorta II, ng Blk-29, Lot-1, Marang St., Camena Springville, Bacoor, Cavite .

Dead on arrival ang biktima nang idating sa naturang ospital sanhi ng apat na tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sa ulat na tinanggap ni Muntinlupa police chief Senior Supt. Roque Vega, kasama ng mangagamot ang nurse ng BuCor na nakatalaga sa New Bilibid Prisons (NBP) na si Nayaflor Abe, 41, dakong 3:45 ng hapon sa 3N Bakery, sa Nestor III Siopao Center, National Road, Brgy Putatan nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek na tumakas matapos ang pamamaslang.

Ani PO3 Marlou Jacob, imbestigador ng Invetigation Detective & Management Section (IDMS), nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa  pinangyarihan ng krimen.

Patuloy na inaalam ng Muntilupa City police ang motibo sa pagpatay sa manggagamot at sa pagkakakilanlan ng suspek.         (JAJA GARCIA)

PARAK-KYUSI PINATAY NA INAGAWAN PA NG BOGA AT MOTOR

NAPATAY ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang bagitong pulis, matapos barilin habang lulan ng kanyang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Dead on the spot si PO1 Aldrin Castro, 25, nakatalaga sa Quezon City Police District- District Public Safty Battalion (QCPD-DPSB) ng Mauling Creek, Lower Bicutan, sanhi ng tama ng bala sa kanang bahagi ng leeg.

Sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Razel Gaspar at PO3 Roger Aquilesca ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) dakong 4:10 ng madaling araw naganap ang insidente sa panulukan ng MRT Avenue at Castanas St., Brgy. North Signal, habang sakay ng kanyang Suzuki Raider motorsiklo ang pulis.

Ayon sa pahayag ng testigong si Alma Gregorio, ng Brgy. Hagonoy, papasok na siya sa trabaho bilang street sweeper nang makita niya ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo, walang suot na helmet ang biglang gumigitgit sa motorsiklo na minamaneho ng pulis.

Nang makitang bumulagta ang pulis, isa sa dalawang suspek ang bumaba ng motorsiklo, kinuha ang baril ng pulis, pati na ang kanyang motorsiklo saka tumakas patungong C-5.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …