Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong Toro ‘reporter’ nangotong sa tserman (ALAM, Hataw ginamit)

 

010914 peke reporter
MAG-INGAT sa taong ito (kaliwa) nagpakilalang si Edwin Sarmiento at Calabarzon reporter ng Bagong Toro pero ang lakad ay mangikil sa mga barangay chairman. Ginamit ni Sarmiento ang pekeng Alab ng Mamamahayag (ALAM) identification card na may nakalagay na party-list (gitna). Ang original ay ID ni Bilasano (kanan) na walang nakasulat na party-list. (BRIAN BILASANO)

ISANG  nagpakilalang CALABARZON reporter ng tabloid na Bagong Toro ang inaresto ng pulisya matapos ireklamo ng pangongotong ng isang barangay chairman sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng madaling araw.

Ang suspek, kinilala sa pangalang Edwin Sarmiento, CALABARZON reporter umano ng Bagong Toro, residente ng 266 Vanda  St., Atdramas Vill 2, Real, Calamba City, Laguna, ay inireklamo ni Barangay 267 Chairman Renale Serame dahil muli siyang hinihingan ng pera at bigas.

Suot ang dalawang pekeng identification card ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), si Sarmiento ay may hawak na advertising contract ng HATAW na ginagamit niya sa panloloko ng mga barangay chairman.

Nagso-solicit umano siya ng “ads” kapalit ng pera at bigas base sa naitakda niyang presyo ng advertising materials.

Nang unang puntahan ng suspek si Serame ay napaniwala siya, pero dahil hindi naman nakita ng Chairman ang nauna niyang ads, tinabla niya sa ikalawang pagkakataon si Sarmiento.

Agad nagreklamo si Serame at humingi ng tulong sa Manila Police Distrcit – Police Station 3 (Sta. Cruz Station) para sa agad na ikadarakip ng suspek.

Sa tanggapan ni MPD-PS3 Anti-Crime chief, SPO4 Ruel Robles, dakong 7:00 ng gabi, nang matanggap nila ang personal na tawag ng barangay official na inirereklamo ang isang ‘makulit na taga-media.’

Humihingi umano ng ads si Sarmiento gamit ang advertising contract ng HATAW, Journal, Bagong Toto at Remate.

Kasunod nito, mabilis na nagresponde ang pulisya at  nakita si Sarmiento sa barangay hall gamit ang mga ID na media na Kabayani, Journal, Parish Pastoral ID at dalwang pekeng ALAM ID at ALAM press ID.

Agad napansin ni Robles na ang genuine na ALAM ID ay walang nakalagay na partylist habang ang peke ay malaki at may nakasulat na party-list.

“Hindi namin nilagyan ng party-list ang ALAM dahil nag-a-apply pa kami noon sa Comelec,” ani Jerry Yap, chairman ng ALAM.

Idinagdag ni Yap na hindi nila kokonsintihin ang ginagawa ng ilang tiwaling gaya ni Sarmiento.

“Pinag-iisipan na po ng abogado namin na si Atty. Toto Causing, na siya rin ALAM President kung ano ang karapat-dapat na kasong isasampa para kay Sarmiento.”

(B.G. BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …