Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rape suspect nagbigti sa kulungan

CEBU CITY – Nagbigti ang isang rape suspect sa loob ng kanyang selda dakong 1:45 a.m. kahapon sa Brgy. Punta Princesa, lungsod ng Cebu.

Ayon sa pulisya, natagpuang wala nang buhay si Tomas Lido, 57, walang asawa, at residente ng Jagna, lalawigan ng Bohol.

Nagbigti si Lido gamit ang tali ng kanyang short pants sa loob ng Punta Princesa police station.

Ayon kay SPO4 Rey Cuyos ng homicide section ng Cebu City Police Office, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang sobrang depresyon bunsod ng pagkabilanggo ang dahilan ng pagbibigti ng rape suspect.

Bagama’t mayroong kasama sa selda, hindi namalayan ng kapwa preso ang pagpapakamatay ni Lido at ang selda ay bahagyang malayo sa desk officer.

Nakulong si Lido nang inireklamo ng panghahalay sa isang menor de edad noong Enero 2 ng kasalukuyang taon sa South Hills Subdivision, Brgy.Tisa nitong lungsod.

Samantala, kahit pinaniniwalaang suicide ang dahilan sa pagkamatay ng nasabing preso, isasailalim pa rin ito sa post mortem examination.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …