Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Perya

ISINULAT noong Nobyembre 26 sa kolum na ito kung paanong tuwing Pasko ay nagiging pangunahing atraksiyon para sa mga bata ang mga carnival.

Buhay na buhay ang mga carnival o theme park, gaya ng Star City sa Pasay City at Enchanted Kingdom sa Laguna, noong Disyembre, pinakamasigla kompara sa ibang buwan dahil itinataon din nila ang pagdaragdag ng mas maraming rides at attractions. Pero para sa mga hindi kalakihan ang budget—iyong hindi kayang magbayad ng entrance fee na nasa P65 hanggang P600 na ride-all-you-can—puwede na rin mag-enjoy sa mga simpleng rides o tsubibo at sa panonood sa sideshows na hatid ng ‘babaeng ahas’ o ng ‘sirena’ sa mga peryahan.

Matatagpuan sa halos lahat ng peryahan ang wala sa naglalakihang world class theme parks: ang tayaan sa palaro.

May bingo games sa mga perya na legal kapag may permit mula sa munisipyo o city hall. Ang ilegal ay ang “color game” na karaniwang nasa tagong bahagi ng perya.

Gamit sa color game ang tatlong dice. Magkakaiba ang kulay ng bawat isa sa anim na bahagi nito: blue, red, white, pink, green, at yellow. Kapag inihagis ang dice at dalawa sa mga ito ang magkapareho ang kulay, mananalo ang tumaya rito. Kung lahat ng tatlong dice ay iisa ang kulay sa pagkakatihaya, doble ang ibabayad sa tumaya. Maaaring tumaya ng kahit magkano, mula piso hanggang P100.

At kahit na tapos na ang Pasko, sinabi ng aking mga espiya na patuloy na nag-o-operate ang ilang peryahan sa Metro Manila at sa ilang probinsiya.

Sa Quezon City lang, isang “Alex” ang nangangasiwa sa ilegal na color games sa tabi ng kanyang peryahan sa likod ng Sogo Hotel sa Cubao, Quezon City.

Sa Cubao rin, sa Westpoint, isang babaeng tatawagin nating “Ine” ang nag-o-operate ng kaparehong ilegal na sugal sa kanyang perya.

Sana ay maaksiyonan ito ng kaibigan kong si Chief Superintendent Richard Albano, Quezon City Police District police director.

Puwede po ba’ng pakigising ninyo ang mga pulis-Cubao na natutulog sa pansitan?

***\

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …